Jonas Gaffud tells Catriona Gray fans to stop hate comments over Miss World loss

IMAGE Instagram (Jonas Gaffud)

Many Filipino beauty queen enthusiasts were disappointed with the results of the recently-concluded Miss World 2016. They feel that our very own Catriona Gray deserves more than just landing in the Final 5. 


Nagpaalala ang beauty-queen maker na si Jonas Gaffud sa Filipino fans na dismayado sa pagkatalo ng pambato ng Pilipinas sa Miss World 2016 na si Catriona Gray.

Ginanap ang pageant sa Maryland, USA, nitong December 18 (December 19 ng madaling-araw sa Pilipinas).

Nakapasok si Catriona sa Final 5 subalit hindi nakasali sa Top 3.

Si Miss Puerto Rico Stephanie del Valle ang kinoronahang Miss World 2016.

Si Miss Dominican Republic Yaritza Reyes ang 1st runner-up at si Miss Indonesia Natasha Mannuela naman ang 2nd runner-up.

Read: Puerto Rico crowned Miss World 2016; Philippines' Catriona Gray makes it to Top 5

Sa comments section ng isang Instagram post ni Jonas, naghimutok ang Filipino pageant enthusiasts sa resulta ng Miss World 2016 at dinepensahan ang mahusay na over-all performance ni Catriona sa pageant.

Si Jonas ang isa sa founder ng Aces & Queens, ang kilalang pageant camp kung saan nag-train si Catriona.




Sa isang post ni Jonas, sinabi nitong kung si Catriona ang nanalong Miss World, malamang ay walang mamba-bash.

“Hey, c'mon, Philippines. If we won, no hatred on Facebook right?

“But we did not.

“Let's be proud as Filipinos and pageant fans of our girl Catriona Gray.

“For us she will be always our Miss World.”

Paalala pa niya, mayroon ding mga pamilya at kaibigan ang ibang kandidata mula sa ibang bansa na umaasang mananalo rin ang kanilang bet.

Ikinuwento pa ni Jonas na nakilala niya ang ama ni Miss Puerto Rico na masayang-masaya sa pagkapanalo ng kanyang anak.

“But there are other families, friends and fans who root for their girls as well.

“I exchanged pleasantries with an older guy who was so proud of Miss Puerto Rico and he told me, he's the Father.

“I was touched by how happy he was for his daughter.

“Remember this: WE ARE NOT ALONE IN THIS WORLD. THERE ARE OTHERS.”

Nag-post din si Jonas ng larawan nilang dalawa ni Catriona.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, gusto sana niyang makapasok sa Top 3 si Catriona o mapanalunan nito ang korona, pero masaya na siya sa pagkakapasok ng Philippine candidate sa Final 5.

“A top three finish would have been great, but I was hopeful of the blue crown. Nevertheless, I am still very proud of your achievement at Miss World @catriona_gray. Top 5 is tough. Wishing you the best on your future endeavors.”

Sa isa pang post ni Jonas, nagpaalala siya sa mga netizen na huwag maging negatibo at huwag mag-rant sa comments section ng kanyang Instagram.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN