Anne Curtis on engagement to Erwan Heussaff: "It's a beautiful surprise."

IMAGE @annecurtissmith on Instagram

Ang engagement daw nila ng nobyong si Erwan Heussaff ang pinakamasayang pangyayari sa buhay ni Anne Curtis ngayong 2016. Saad ng actress-TV host, "Para sa akin, what a beautiful way to end 2016, as in, it's so, so beautiful. And I have no one else to think but to my monamo Erwan I love you so much."


Idinaan ni Anne Curtis sa isang prank ang pagsasabi sa kanyang mga kasamahan sa It’s Showtime na engaged na siya sa nobyong si Erwan Heussaff.

Ngayong Lunes, December 19, naghandog ng love songs ang co-hosts ni Anne sa show bilang selebrasyon ng kanyang engagement sa longtime boyfriend.

Umapaw ang luha at kilig sa buong studio habang inaawitan si Anne ng kanyang co-hosts.

Matapos nito, ikinuwento ni Vhong Navarro kung paano idinaan ni Anne sa isang prank noong Sabado, December 17, ang pag-anunsiyo sa kanilang engaged na siya.

Ayon kay Vhong, naglungkot-lungkutan daw si Anne sa buong show ng It’s Showtime at parang may balak itong gawin na hindi nila magugustuhan.

Inakala raw niyang baka aalis na ito sa show.

Si Amy Perez naman ay hindi rin daw mapakali dahil noong napansin niyang malungkot si Anne.

Nagtangka raw siyang yakapin ang co-host pero nagsabi daw itong hayaan na muna siya.

Pero noong nalaman nila ang good news pagkatapos ng show, napalitan daw ng saya ang kapaligiran ng It’s Showtime studio.

Read: Anne Curtis and Erwan Heussaff are engaged!

“ERWAN AND I ARE ENGAGED.” Pagkatapos ng production number niya sa It’s Showtime episode ngayong araw, maluha-luhang inanunsiyo ni Anne na officially engaged na siya.

“Erwan and I are engaged,” panimulang sabi ng actress-TV host.

Dagdag pa ng 31-year-old Kapamilya star, “I am happy to share with all of you the great news.

"And being someone who’s always in the public eye, I think it’s very, very important that I share it with all of you, which I did yesterday.

“Thank you everyone… it was all over the news, social media… who sent their well wishes and love to both Erwan and I.

"Sobra kaming nagpapasalamat po sa inyo.

“And I’m just hoping na until the end of this whole journey and as I enter the whole chapter in my life, kasama ko pa rin ang It’s Showtime family.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And sana po, even when I become misis na, patuloy pa rin po ang supporta niyo.”

Nagbigay rin ng mensahe ang kanyang co-hosts sa show.

Matapos nito, sinabi ni Anne na ang engagement nila ni Erwan ang pinakamasayang nangyari sa kanya sa taong 2016.

Aniya, “Isa itong bagay na hindi ko talaga ini-expect na mangyayari ngayong taon na ‘to, but it came as a beautiful surprise.

“Para sa akin, what a beautiful way to end 2016, as in, its so, so beautiful.

"And I have no one else to think but to my mon amour, Erwan, I love you so much.

"And here’s to the amazing 2017, of course with you madlang pipol, my Showtime family, and my soon-to-be husband, Mr. Erwan Heussaff."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN