Dominic Roque describes aunt Beth Tamayo's difficult life in the U.S.

IMAGE Noel Orsal / Instagram

His aunt Beth Tamayo is happy to be living and working in the U.S., something Dominic Roque can't take away from her in his wish that she'd go back to local showbiz. "Hindi mo naman puwedeng pilitin yung isang tao kung saan siya masaya, e. Nakikita ko naman kahit hirap na hirap siya, masaya siya dun sa U.S., nag-e-enjoy naman siya," he realized.


Malapit ang Kapamilya actor na si Dominic Roque sa tiyahin niyang si Beth Tamayo.

Si Beth, na semi-retired na sa showbiz at naka-base na sa U.S., ay kapatid ng ama ni Dominic.

Limang taon kasing hindi nakita ni Dominic ang kanyang Ate Cheche, tawag niya kay Beth, kaya naisipan niyang sorpresahin ito.

Kuwento ng aktor, “Nung February or March yata yun, kinausap ko yung best friend niya sa New York.

“Minessage ko sa Facebook, baka puwede niya akong tulungan na i-surprise si Ate.

“Kung papaano kami magkikita, kung saan kami magkikita.”

Sobrang nasorpresa raw si Beth nang makita si Dominic sa isang food court malapit sa pinagtatrabahuan nito.

Lahad pa niya, “Umiyak siya, umiyak din ako.

"Actually vinideo ko, kaso nawala…

“Hindi niya alam, so ang reaction niya, yung parang gulat na gulat na namumula yung mata.

“Naiyak na rin ako kasi ang tagal ko nga siyang hindi nakita.

“Lagi naman kaming nagme-message sa phone, tsaka alam naman ng mga tao na sobrang close talaga ako sa kanya.”

#repost #missingthiskid #family #nyc

A photo posted by Beth Tamayo (@bethtamayo21) on

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Dominic sa presscon ng Seklusyon, sa 38 Valencia Events Place, noong Biyernes, December 16.

Ang Seklusyon ay entry ng Reality Entertainment sa Metro Manila Film Festival 2016.

SURPRISE VISIT. Nung September, sa birthday ni Beth, ay gusto na raw sorpresahin ni Dominic ang tiyahin.

Aniya, “Kaso may trabaho ako, yung Pangako Sa ‘Yo, so hindi ko maiwan.”

Kaya naman nang magkita sila ay inubos ni Dominic ang dalawang linggo niyang bakasyon para sa kanyang tiyahin.

Pagbabahagi niya, “Sobrang saya, kasi yung two weeks ko na stay dun, wala kaming ginawa kundi mag-bonding.

“Sabi ko, kailangan masulit ko ‘tong stay ko sa kanya… so, every night, lalabas kami, kakain kami, iinom kami.

“Tapos mag-iikot kami kasama yung mga ibang friends niya, so ayun.”

GRINDING LIFE IN U.S. Sa New York pa naka-base noon si Beth nang binisita siya ni Dominic, pero ngayon ay sa San Francisco na ito nakatira at nagtatrabaho.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kumusta ang Ate Cheche niya sa Amerika?

Tugon ni Dominic, “Masaya naman siya dun.

"Siyempre sa akin, gusto ko rin naman siyang nandito sa Pilipinas.

“Gusto ko siyang mag-artista dito ulit para magkasama kami, baka magkatrabaho pa kami someday.

“Happy siya dun, pero sa totoo lang, ang hirap ng buhay niya dun.”

Dito ay nagsimula nang mag-iba ang boses at mangilid ang luha ni Dominic habang patuloy na nagkukuwento.

“Malayo dito, wala naman siyang tagalaba dun, wala siyang tagaplantsa, walang magda-drive sa kanya doon.

“So, nung pumunta ako sa kanya, parang, in a way, naawa ako.

“Kasi, yung mga bagay na pang-every day na hindi niya dating ginagawa dito sa Pilipinas, di ba?

“Dito, parang ano siya, alagang-alaga siya dito sa atin.”

Laging may mga kasambahay at driver si Beth noong nakatira pa rito sa Pilipinas.

“Nung nakita ko siya dun, medyo naano ako na siya ang naglalaba ng damit niya, tapos sa gabi inaayos niya yung…

“Actually, nung nandun ako, sobrang asikaso siya sa akin.

“Kasi kailangan kong mag-maintain… sa umaga, hindi ako kumain ng unhealthy.

“E, di ba, nag-aral siya ng culinary course? So, every night, pini-prepare na niya yung pagkain ko.

“Sabi niya, ‘Nak, para makatipid tayo, makatipid ka, sa gabi pa lang bumili na tayo ng pagkain.’

“Kasi, sa ibaba ng condo niya, may grocery na kumpleto... e, ako, ma-fruits.

“Bumibili na kami ng pagkain sa ibaba tapos pini-prepare na niya ng gabi.

“Minsan nga, kunyari nalasing ako pag lumabas kami, ako natutulog na.

“Siya, nag-aayos pa ng ano, so anong oras na siya matutulog, tapos maaga siya gigising kasi papasok siya sa office.”

Ano ang trabaho ni Beth sa US?

Ayon kay Dominic, “Maganda naman yung work niya, isang investment company ng Singapore, so maganda.

“Eight hours din, pero alam mo yun, nung nakita ko siya, parang kulang lagi yung tulog niya, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nagtu-two jobs, three jobs siya before, e.

"Pero stable na siya ngayon na ganun na yung trabaho niya."

CHRISTMAS WISH. Isa sa mga Christmas wish ni Dominic ay makauwi na ang Tita Beth niya.

Saad niya, “Oo naman, magkasama-sama kami… lalo na paglipat niya ng SanFo, kasi wala siyang kaibigan dun, e.

“May mga kamag-anak siya, siguro ilan lang, tapos konting kaibigan, kasi bagong lipat siya dun, so bagong salta siya.

“Pero hindi mo naman puwedeng pilitin yung isang tao kung saan siya masaya, e.

“Nakikita ko naman kahit hirap na hirap siya, masaya siya dun sa U.S., nag-e-enjoy naman siya, e.

“Bibisitahin ko ulit siya, pero siyempre hindi ko na siya isu-surprise para maplano namin kung saan kami pupunta.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN