Ogie Alcasid excited to welcome 2017 as a Kapamilya

IMAGE Noel Orsal

Ogie Alcasid on maintaining good relationship with all networks: "Wala naman akong naging problema kahit kanino. Maaaring sabihin na namuhunan ako sa friendship ko with everybody. Hindi ko naman ginawa yun consciously, sadyang ganun lang talaga ako. And I'm happy and proud na naging ganun ang takbo ng pakikipagrelasyon ko sa lahat ng tao."


Masayang sasalubungin ni Ogie Alcasid ang 2017 bilang isang Kapamilya.

“Exciting,” sambit ng singer-comedian.

“Natutuwa ako na 2017 will be a new beginning for me.

“I’m so happy to see old friends; of course, I have a new TV show.”

Ang tinutukoy ni Ogie na "new show" ay ang Your Face Sounds Familiar Kids Edition, kung saan makakasama niya bilang judge sina Sharon Cuneta at Gary Valenciano.

Bukod dito ay napapanodo na rin siya bilang isa sa mga hurado sa "Tawag ng Tanghalan" segment ng noontime show na It's Showtime.

Si Ogie ay galing sa TV5, kaya binibiro siya na pagkatapos ng ilang taon ay mapapanood na siyang muli ng karamihan.

Pag-amin naman niya, “Sa Twitter feeds ko pa lang, nakikita ko na people are really excited to see me, hear my songs, magpatawa.

"Siyempre, mas lalo akong excited.

“Basta, kinu-control ko lang ang excitement ko, but I’m very, very excited.”

THREE NETWORKS. Ngunit bago pa man lumipat si Ogie sa TV5 at ngayon sa ABS-CBN ay 19 years siyang nagtrabaho para sa GMA Network.

Kaya naman binanggit ng press kay Ogie na siya lang yata ang nagpabalik-balik sa tatlong networks na hindi nagkakaroon ng pangit na relasyon sa mga pinanggagalingan niya.

“Hindi ko alam!” natawa niyang sambit.

“Sabi ko nga, wala naman akong naging problema kahit kanino.

“Maaaring sabihin na namuhunan ako sa friendship ko with everybody.

“Hindi ko naman ginawa yun consciously, sadyang ganun lang talaga ako.

“And I’m happy and proud na naging ganun ang takbo ng pakikipagrelasyon ko sa lahat ng tao.”

Noong natapos ang kontrata niya sa TV5, hindi ba inalok si Ogie ng Kapuso network para bumalik?

Tugon niya, “No, all the networks, in fairness to them, they spoke to me.

“Nakipag-usap naman sila at ako rin ay nakikipag-usap.

“Hindi ito nangyari ng isang araw, it has been going a couple of months.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

FAMILY MATTERS. Posible kayang sumunod sa kanya ang misis niyang si Regine Velasquez pagkatapos ng kontrata nito sa Kapuso network?

Pahayag ni Ogie, “Hindi natin puwedeng sagutin pa ‘yan, she’s still under contract.

“At mas maganda siguro na siya ang sumagot.”

Mas nagwu-work ba sa kanilang mag-asawa na magkahiwalay sila ng network?

“Yeah, dati TV 5 naman ako, Seven siya; ngayon, Two naman ako, Seven siya.

“So, it’s not really a problem,” sabi niya.

Samantala, ang panganay na anak ni Ogie sa dati nitong asawa na si Michelle Van Eimeren, si Leila Alcasid, ay sa kanila na ni Regine maninirahan dito sa Pilipinas.

Ano ang nakikita niyang magiging pagbabago?

Aniya, “Wow, siguro maninibago ako ng konti.

"Although I’ve been going to Australia, weeks lang, matagal na yung isang buwan.

“But now, I look forward to it, yung bonding namin.

“Kasi lately, mas naging close pa kami ngayong adult na siya.”

Magiging cool dad kaya siya kapag may mga lalaking manligaw sa anak habang nandito sa Pilipinas?

“Hindi!” mabilis at natatawang sagot niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN