Matteo Guidicelli thankful to fans who cheer for AshMatt

IMAGE Nerisa Almo

Matteo Guidicelli on relationship with girlfriend Sarah Geronimo: "Oour relationship is not for entertainment, it's something real."


“Steady-steady lang.”

Ito ang matipid ngunit nakangiting sagot ni Matteo Guidicelli nang kumustahin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang relasyon nila ng girlfriend niyang si Sarah Geronimo.

Sabi pa niya, “Okay naman ang lahat. Masaya naman ang lahat.

“It's good balance of that and work, so everything is okay.”

Bagamat bukas sa publiko ang kanilang relasyon, kabilang sina Matteo at Sarah sa showbiz couples na pinipiling maging pribado pa rin pagdating sa ibang aspeto nito.

Ngunit minsan ay hindi maiwasang makita silang magkasama sa kanilang dates at out-of-town adventures.

Katulad na lamang nang umakyat sila, kasama ang iba pang mga kaibigan, sa Mt. Pico de Loro noong June bilang birthday celebration ni Sarah.

Noong November naman ay pinag-usapan din sa social media ang whale shark watching adventure ng dalawa sa Cebu, bilang pagdiriwang naman ng kanilang third anniversary.


Stories We Are Tracking

Sarah Geronimo, Matteo Guidicelli get cozy in public
Sarah Geronimo, Matteo Guidicelli get cozy in public
Sarah Geronimo, Matteo Guidicelli adventurous in Cebu
Sarah Geronimo, Matteo Guidicelli adventurous in Cebu
Sarah Geronimo, Matteo Guidicelli spotted on a Saturdate
Sarah Geronimo, Matteo Guidicelli spotted on a Saturdate

Samantala, noong nakaraang linggo ay naging viral din sa social media ang patagong kuha ng fans sa kanilang dalawa.

Hindi raw ito maiiwasan, sabi ni Matteo.

“Okay lang naman,” aniya.

“You know, ang nakakatuwa lang talaga is the people are very positive about Sarah and I.

“I think they are also inspirations to us or to me.

“You know, we're in showbiz, that's really gonna happen.

“But thank you to everybody for being very positive and supportive.”

Sa kabila nito, alam nina Matteo at Sarah na may ilan ding hindi pabor sa kanilang relasyon.

“Bahala sila sa buhay nila. Magpakita kayo,” pabirong reaksiyon ni Matteo.

Hindi naman daw nila ito napag-uusapan ni Sarah.

“May mga negative talaga. Hindi natin maiiwasan 'yan kahit saang bagay,” dagdag pa niya.

Gayunman, nilinaw ng singer-actor, “You know, our relationship is not for entertainment, it's something real.

“You know, we're taking the positive sides and throw away the negatives.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN