Khalil Ramos happy for crush Julia Barretto's blooming career

IMAGE Noel Orsal

It's been a good year for Khalil Ramos, with movie projects coming his way one after another. He is also showing that young actors like him can make headway in showbiz without a loveteam partner. "Maganda rin yung makatayo ka on your own. Mai-build mo ang sarili mo as an actor talaga katulad nina Coco Martin," he reasons.


Dating magka-love team sina Khalil Ramos at Julia Barretto, hanggang sa naiba ang takbo ng kani-kanilang showbiz career.

Tila hindi naman ikinabahala ni Khalil ang nangyari sa kanilang love team maski na crush niya si Julia noon.

Pahayag ng singer-actor, “Maganda rin yung makatayo ka on your own.

“Mai-build mo ang sarili mo as an actor talaga, katulad nina Coco Martin.”

Sabi pa ni Khalil, “As long as the management is continuously supportive, nabibigyan ako ng projects, may love team man o wala, game naman ako.

“Pero iga-grab ko yung chance kung i-pair ako ng management to someone, game ako.”

Sino naman ang gusto niyang maka-screen partner kung sakali?

Aniya, "Well, aside from Julia, hopefully, there's Loisa [Andalio] at Maris [Racal].

“Mga kaibigan ko yun, parang sila lang muna ang nasa isip ko sa ngayon."

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Khalil sa special screening ng Ang Babae Sa Septic Tank 2 #ForeverIsNotEnough, isa sa walong entries sa 2016 Metro Manila Film Festival (MMFF).

Ginanap ang screening sa Gateway Cinema 3 kamakailan.

A GOOD YEAR. Ikinatutuwa naman daw ni Khalil ang magandang takbo ng career ni Julia ngayon.

Sunud-sunod ang projects ng dalaga, at ang pinakahuli nga ay ang Vince & Kath & James na isa rin sa entries sa darating na MMFF.

Nasa cast din si Julia ng pinakabagong teleserye ng ABS CBN na A Love To Last, na malapit nang ipalabas.

Posibleng magkasama sila ni Khalil dito.

Sabi ng binata, "Happy ako sa kanya na marami siyang projects.

"She deserves naman kung anuman meron siya ngayon 'cause she works hard for it.

"Di naman ako... siguro mga eighty-five percent sure, papasok din ako dun [A Love To Last].

"Nag-pictorial na ako, pero hindi ko puwedeng sabihin na part na part na ako hangga't di pa naipapalabas."

Inilatag ni Khalil ang sunud-sunod niyang mga proyekto na nagpaganda ng taong 2016 sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Heto ngang Ang Babae Sa Septic Tank 2, meron pa akong Riding In Tandem na hindi pa naipapalabas.

"Yung Ang Kasunduan na di pa rin naipapalabas, tapos may isa pa.

"And, hopefully nga, yung A Love To Last, pero next year na yun."

LOVE LIFE. Kaya ba sobrang tahimik ang love life ni Khalil ngayon ay dahil ganun siya ka-busy?

Saad ng 20-year-old Kapamilya talent, “Almost three years na akong walang seryosong relationship.

"Yung huli ko was with a non-showbiz.

"Sa showbiz, wala pa naman, pero marami akong kaibigan.

"Maraming baguhan na kaibigan ko ngayon.

"Malalaman mo naman kung nakapagkonek ka sa isang tao, pero sa ngayon, wala pa."

Aminado naman siyang medyo malungkot ang walang inspirasyon, lalo na ngayong Pasko.

Sabi ni Khalil, ”Minsan naiisip ko rin, pero sa iba na lang ako kukuha ng inspirasyon.

"Kumbaga, kailangan mong i-focus sa pamilya mo o sa career mo, at sa iba pa."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN