Mayor Inday Sara Duterte lashes back at Cynthia Patag over FB post

IMAGE Facebook (Inday Sara Duterte-Carpio and Cynthia Patag)

Davao City Mayor Inday Sara Duterte (left) hits back at Cynthia Patag for suggesting that the former is planning to run for president in the next presidential elections and to establish political dynasty. 


Nag-react si Davao City Mayor Inday Sara Duterte sa Facebook post ng retired singer-comedienne na si Cynthia Patag tungkol sa kanya.

Nalaman umano ni Cynthia sa isang “unassailable source” na naghahanda na ang alkaldeng anak ni Pangulong Rodrigo Duterte para tumakbong pangulo sa 2020.

Post ni Cynthia sa Facebook noong December 19: “Soon after he assumed the presidency, I heard from an unassailable source that DU30's daughter, Davao City Mayor Inday Sara Duterte, had begun training for the role of president in 2020.

“There's a term for that. It's called POLITICAL DYNASTY.”

Hindi napigilan ni Mayor Inday Sara na mag-react at tinawag na “bobo” at “bangag” si Cynthia sa caption, matapos nitong ipost ang screengrab ng nasabing Facebook post ng dating Palibahasa Lalake mainstay.

Matapang na pahayag ng alkalde ng Davao City tungkol kay Cynthia: “Para lang ma-emphasize na bobo ka at bangag, ano ulet ang mangyayari sa 2020? Hahahahahaha. #pasikat #turd”

Para lang maemphasize na bobo ka at bangag, ano ulet ang mangyayari sa 2020? Hahahahahaha #pasikat #turd

A photo posted by Inday Sara Duterte-Carpio (@indaysaraduterte) on

Sa comment section naman ng nasabing post ni Mayor Inday Sara, inulan ng batikos si Cynthia, kagaya ng pagbibigay-diin na ang susunod na presidential elections ay sa 2022 at hindi sa 2020.

Sa Pilipinas, anim na taon ang panunungkulan ng inihalal na presidente.

Nagsimula ang termino ni Pangulong Duterte ngayong 2016 at magtatapos ito sa 2022.

May ilan ding nag-react sa Facebook post ni Cynthia na nagsasabing napaaga raw yata ang susunod na presidential elections dahil sa tinuran nitong "2020."

Samantala, sa Facebook post naman ni Cynthia, sunud-sunod ang status ng aktres at pagsi-share ng mga link na anti-Duterte.


Stories We Are Tracking

Cynthia Patag says sorry for FB post about musician's death
Cynthia Patag says sorry for FB post about musician's death
Cynthia Patag, Jim Paredes draw flak for false FB posts
Cynthia Patag, Jim Paredes draw flak for false FB posts
Cynthia Patag hits President Rodrigo Duterte anew
Cynthia Patag hits President Rodrigo Duterte anew

NOT RUNNING FOR PRESIDENT. Sa parehong post ni Mayor Inday Sara sa kanyang Facebook account, may isang netizen ang pumapabor kung sakali mang totoong tatakbo ang alkalde sa susunod na presidential elections, at sinabing iboboto niya si Inday Sara.

Sumagot naman dito si Inday Sara at sinabing hindi ito interesadong tumakbo.



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN