Triple A exec denies GMA Network blocked Kris Aquino's TV comeback

IMAGE Noel Orsal


Ang Queen of All Media na si Kris Aquino ay nasa pangangalaga na ngayon ng Triple A (All Access Artists) Management, na pinamamahalaan ni Mr. Tony Tuviera.

Si Mr. Tuviera rin ang may-ari ng APT Entertainment, Inc. isang television and film company na subsidiary ng TAPE Inc., na producer naman ng longest-running noontime show sa bansa na Eat Bulaga.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa head of operations ng APT Entertainment at presidente ng Triple A na si Rams David noong December 14, inusisa namin kung ano ang mga plano nila sa career ni Kris.

Pagkatapos umalis ni Kris sa ABS-CBN at pumirma ng management contract sa Triple A ay hindi pa siya muling napapanood sa isang regular show.

Kumusta si Kris?

Ayon kay Rams, “Masaya, masaya... I didn’t expect that we will get along.

“Hindi ko sinasabi na hindi kami magiging okey, pero hindi siya mahirap mahalin, hindi siya mahirap gustuhin.

“At hindi siya mahirap katrabaho.”

Dagdag pa niya, “Happy naman siya, she’s very energetic, grabe.”

GMA SHOW. Unang napabalitang gagawa si Kris ng morning show sa GMA Network ngunit hindi ito natuloy.

May isyu bang nangyari sa pagitan ni Kris at ng Kapuso network?

Tanggi ni Rams, “Wala naman, wala naman, e.

“Wala lang sigurong oras pa para pag-usapan kung anong project at saka timeslot.”

Sinasabi niya bang hindi hinarang ng GMA-7 ang dapat sana’y show ni Kris?

“No, no, hindi siya hinarang ng GMA, definitely,” diin ni Rams.

Sa isang panayam ay sinabi ni Kris na isang makapangyarihang tao ang pumigil sa pagbabalik niya sa telebisyon.

Yung timeslot ng daytime teleserye na Trops ngayon, yun daw sana ang timeslot ng unang show o pagbabalik Kapuso ni Kris. Totoo ba ito?

Ayon kay Rams, “No, I think it’s timing lang.

“Nagkaroon ng problema sa timing.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi talaga, hindi siya hinarang ng GMA.”

May pag-asa pa bang mapanood si Kris sa GMA Network?

“Why not, our doors are open and we would love to work with GMA.

“GMA has been our partner for how many years.

Eat Bulaga, other shows, and most of our artists are with GMA, so walang dahilan para hindi kami magkaroon ng magandang relasyon.”


Stories We Are Tracking

Kris Aquino bids goodbye to Kapamilya network
Kris Aquino bids goodbye to Kapamilya network
Kris Aquino: 'I overestimated my worth.'
Kris Aquino: 'I overestimated my worth.'
Kris Aquino: 'ABS-CBN no longer wants me.'
Kris Aquino: 'ABS-CBN no longer wants me.'

DIGITAL PLATFORM. Ano ang maaasahan o aabangan ng mga tao kay Kris, lalo na sa pagpasok ng 2017?

Sagot ni Rams, “Wala munang TV.

“It’s all a new platform, it’s digital.

“It’s a new venture namin pareho. Co-venture with Kris and Mr. Tuviera.”

Lahat ng mga ginagawa ni Kris ngayon, sa online lang mapapanood?

“Yes, lahat ng mga yun, mapapanood mo sa YouTube, sa Facebook, and she will have her own website.”

May ilan na hindi pa lubos na naiintindihan ang digital media. Hindi rin maiiwasang magkomento ang ilan na sa YouTube o Facebook na lang nakikita si Kris.

Pahayag ni Rams tungkol dito, “She’s been in the business for how many years, ang dami na niyang nagawa. Iba-iba.

“Naging showbiz-oriented host siya, daytime host siya... lahat na tinackle na niya, e.”

May kailangan pa bang patunayan si Kris?

“Wala na siyang kailangang patunayan,” tugon ni Rams.

“Bagkus, may kailangan siyang mga bagong ma-try, ma-experience.

“Kasi, kapag sinabing patunayan, yung credibility mo at abilidad mo sa paghu-host.

“This time, ang kailangan niyang patunayan on how she will survive dito sa online, sa bagong demand.

“Yung audience kasi, palagi ‘yan may wants. Palagi ‘yan nangangailangan ng bagong content.”

Hindi rin daw nai-insecure si Kris na hindi siya napapanood sa telebisyon.

Sabi pa ni Rams, “The people still follow her kahit hindi siya nakikita sa TV.

“Right now naman, laganap naman ang popularity ng online, digital o social media, especially Facebook.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Everyone is on Facebook.

“So, kunwari fan ka ni Kris, gusto mo siyang makita, mag-log ka lang, hanapin mo lang ang Facebook site niya and you will see all her interviews with different artists.

“You will still see her going around places, eating food, going different restaurants, dun lang muna.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN