JM de Guzman returns to acting via musical play

IMAGE Instagram (@1migueldeguzman)

JM de Guzman, who is still in a showbiz hiatus, makes a comeback in acting through a musical play. The actor posted part of his performances on Instagram.


Marami ang curious malaman kung ano na ang nangyari sa aktor na si JM de Guzman pagkatapos nitong muling tumigil sa pag-aartista noong 2015 dahil sa personal na problema.

Kaya tiyak na matutuwa ang mga tagahanga ni JM kapag nalaman nilang nagbabalik na sa pag-arte ang dating Kapamilya actor.

Ngunit taliwas sa inaasahan, ang pagbabalik ni JM ay hindi sa pelikula o telebisyon, kundi sa entablado.

Tampok si JM sa musical play na Sweeney Todd, na base sa 2007 Hollywood film na pinagbidahan ni Johnny Depp.

Ipinost kamakailan ni JM sa kanyang Instagram account ang bahagi ng kanyang madamdaming performance ng kantang “Not While I’m Around” mula sa naturang play.

I hope you like it ?? #notwhileimaround #sweeneytodd #pwedengmagahit

A video posted by Juan Miguel de Guzman (@1migueldeguzman) on

Sa sumunod na video, ipinost naman ng aktor ang bahagi ng kanyang monologue.

Ang nasabing musical play ay isa umanong intimate performance na dinahulan ng pamilya at mga kaibigan ni JM.

Sa official statement ng ama ng aktor na Ronniel de Guzman, nagpasalamat ito sa mga nagpakita ng suporta sa anak.

“The entire de Guzman family is thankful to all those who supported JM in his latest stage endeavor.

"The presentation directed by Fritz Ynfante saw JM utilizing anew his singing and acting talents," pahayag ng ama ni JM sa ulat ni Mario Dumaual ng ABS-CBN News.

Dagdag pa ni Mr. de Guzman, "We are proud that JM got preoccupied with another artistic project where he displayed innate talent.

“A number of people in and out of showbiz have constantly been supporting JM and we are very grateful to them."

Kabilang ang aktres na si Meg Imperial na dumalo sa nasabing pagtatanghal ni JM.

Si JM ay kumuha ng Certificate in Theater Arts, majoring in Performance Studies, sa University of the Philippines at naging apprentice sa Dulaang UP.

Ang huling pinagbidahang teleserye ni JM ay ang All of Me ng ABS-CBN noong 2015.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Stories We Are Tracking

<p>JM de Guzman pulled from TV show and MMFF movie?</p>

JM de Guzman pulled from TV show and MMFF movie?

<p>Jessy denies rumored breakup with JM</p>

Jessy denies rumored breakup with JM

<p>JM de Guzman:

JM de Guzman: "HELP"... Is "TOO LONG."

<p>Yassi Pressman on JM de Guzman: He's really, really hurt</

Yassi Pressman on JM de Guzman: He's really, really hurt



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN