Ara Mina on new suitors: "In fairness, hindi na ako trip ng mga DOM ngayon."

IMAGE Arniel C. Serato

Wala pa raw oras na mag-entertain ng mga manliligaw si Ara Mina, pero may mga nagpaparamdam sa kanya ngayon. Ilan sa kanila ay mas bata sa kanya at mayroon din daw mga artista.


Umamin ang aktres na si Ara Mina na may mga nagpaparamdam sa kanya ngayon.

Pero hindi muna raw niya ito masyadong pinagtutuunan ng pansin.

Natatawang sabi ni Ara, “May mga nagpaparamdam, all ages...

"Hindi naman DOM [dirty old man], in fairness, hindi na ako trip ng mga DOM ngayon.

"May mga siguro five years younger, may mga 10 years younger. May celebrity, may hindi.

"Open naman ako sa dating, kaso, as of now, hindi ko pa sila mabigyan ng time, kasi medyo may ginagawa akong soap."

Ang tinutukoy na soap ni Ara ay ang upcoming Kapuso afternoon drama series na Pinulot Ka Lang Sa Lupa.

Dalawang taon na ang nakalilipas mula nang maghiwalay sila ng dating nobyong si Mayor Patrick Meneses, kung saan mayroon siyang isang anak na babae.

Ayon kay Ara, naka-move on siya sa ginawang pag-iwan sa kanya ng alkalde ng Bulacan, Bulacan.

“Dalawang taon na si Mandy and single pa rin ako. Pero we're friends, magkaibigan naman kami.”

Paano nila napapanatili ang kanilang maayos na pakikitungo sa isa’t isa?

Saad ng aktres, “I think mabait ako.

"Hindi ko ipinagdadamot ang anak ko, kaya kung mapapansin niyo yung anak ko, very jolly, very full sa pagmamahal.

"Kasi kapag ipinagkait mo, bitter-bitter-an ka pa…

"Oo, masakit yung nangyari na hindi kami nagkatuluyan o iniwan niya ako, pero I think we need to move on. Naka-move on na ako.

"Anytime na gusto niyang kunin, nahihiram niya.

"Basta every Sunday, nasa kanya, nasa lola niya, tsaka pag may mga special occasions.

"Maganda kasi yung may nagigisnan siyang tatay."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ara sa second birthday celebration ng anak nila ni Mayor Patrick na si Mandy noong Sabado, December 16, sa Quezon City.

BUSY JANUARY. Magiging busy ang parating na taon kay Ara Mina.

Ipalalabas na sa Enero ang kinabibilangan niyang pelikula, ang My Ex and Whys, na pinagbibidahan nina Liza Soberano at Enrique Gil.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Magpa-pilot na rin sa GMA Network ang Pinulot Ka Lang Sa Lupa.

Sa dalawang proyektong ito ay gagampanan ni Ara ang pagiging ina kina Liza (My Ex and Whys) at LJ Reyes (Pinulot Ka Lang Sa Lupa).

Pero wala raw problema sa aktres dahil trabaho naman ito.

Hindi ba siya nao-offend na mother roles na ang inaalok sa kanya?

Tugon ng 37-year-old actress, “Hindi naman, kasi pabata na nang pabata ang mga mommies.

“Uso na daw ngayon 'yan, e, young moms.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN