Marian Rivera to fulfill promise to her fans; Maine Mendoza to do first teleserye

IMAGE Noel Orsal

Triple A President Ram David says it's been a good year for the artists under their management and it will be a better year for them in 2017. Among the artists in the stable of Triple A are Marian Rivera, Maine Mendoza, Andrea Torres, Jerald Napoles, Taki, Baes, Andrew Gan, and Baste.


Nagbigay ng updates ang head of operations ng APT Entertainment at presidente ng Triple A Management na si Rams David tungkol sa mga nakalinyang proyekto ng kanilang talents.

Ang ilan sa mga artist ng Triple A ay sina Marian Rivera, Maine Mendoza, Andrea Torres, Jerald Napoles, Taki, That's My Baes, Andrew Gan, at Baste.

Ang pinakabago ay si Kris Aquino.

Sa APT Films naman, nakakontrata sa kanila si Alden Richards.

NEW DRAMA FOR MARIAN? Sa kasalukuyan ay sa Sunday Pinasaya lang napapanood si Marian. Kailan kaya ulit magkakaroon ng sariling teleserye ang aktres?

Ayon kay Rams, “Kapag talagang fully dependent na si Zia sa gatas, hindi na breastfed, puwede na siyang mag-soap.

“Yun ang promise niya… sa mga fans niya, let’s pray na matuloy na ang soap opera.”

Si Zia ay ang one-year-old daughter nina Marian at Dingdong Dantes.

Totoo bang may pagbibidahang sitcom sina Marian at Dingdong?

Tugon ni Rams, “Well, napag-uusapan lang, pero wala pa talagang offer.

“Kung may gagawin man si Marian, it’s a soap opera.

“Parang ang tagal na rin niyang hindi nakikita sa primetime, hindi na siya nakikitang nagda-drama.”

Nagkaroon ng special appearance si Marian sa telefantasyang Encantadia bilang Ynang Reyna.

MAINE’S FIRST SOAP. Ang phenomenal star naman nilang si Maine Mendoza ay lalabas na rin sa kauna-unahan nitong soap opera.

Ito ay ang Destined To Be Yours, na pagtatambalan nila ni Alden.

Ayon kay Rams, “Next year na ang taping niya, and parang they’re targeting February yata.

“Medyo kailangan niyang masanay, she’ll be working with different crew, different artists, at on location sa Quezon [province].”

Mapapanood pa rin ba sa Kalyeserye ng Eat Bulaga! si Maine habang ginagawa ang teleserye niya?

“Meron pa rin, pero most likely, hindi every day.

“You’ll still see her in Eat Bulaga, yun nga lang, hindi na on a regular basis.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sigurado rin daw na may gagawing pelikula sina Maine at Alden sa APT Films sa 2017.

Ani Rams, “Definitely, it’s in the pipeline, sure yun… and yung DVD ng movie, out na ngayon.”

Ang tinutukoy niya ay ang Imagine You And Me, na unang pelikula ng AlDub loveteam.

NEWBIES. Masaya rin daw sila sa nangyayari sa grupong Baes ng morning teleserye na Trops.

Ang APT rin ang prodyuser ng Trops, bukod pa sa longest-running noontime show na Eat Bulaga.

Ayon kay Ram, “Magse-second season siya, hindi ko lang alam kung hanggang saan ang extension.

“Sana they will extend it, maganda ang performance ng Trops and Taki.”

Si Taki ang isa sa mga baguhang artist ng Triple A at papuri ni Rams sa kanya, “Sana lang makita ng GMA ang talent ng bata.

“Magaling naman siya… sana lang si Andrew Gan will have a soap in GMA.”

Si Jerald Napoles naman daw ay “doing a lot of shows in GMA.”

Kumento pa ni Rams, masaya silang umabot ito sa finals ng Superstar Duets.

“Siya ang first runner-up. And he really deserves it naman. I’m very proud of him.”

Ang nanalo ay si Nar Cabico.

CONTROVERSIES. Tungkol naman kay Andrea Torres, maganda raw ang performance nito sa Alyas Robin Hood na pinagbibidahan ni Dingdong.

Ayaw magsalita ni Ram tungkol sa isyu diumano sa pagitan nina Marian at Andrea.

Sabi lang niya, “Ay, hindi na, love ko pareho yun, mga anak ko pareho yun.

“Happily married yung isa, happy sa rating ng show niya yung isa… they’re okay.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN