Claudine Barretto to Raymart Santiago and his family: "Merry Christmas & have a hell of a New Year!"

IMAGE Noel Orsal

Muli na namang nagparamdam ng galit si Claudine Barretto laban sa mga nanakit diumano sa kanyang anak. Aniya, "Hope u guys have a Merry Christmas & a New Year in Court."


Isang makahulugang mensahe ang ibinahagi ni Claudine Barretto sa kanyang Facebook account nitong Martes ng gabi, December 20.

Walang tinukoy na pangalan ang aktres sa kanyang post, ngunit mahihinuhang may kinalaman ito sa estranged husband niyang si Raymart Santiago at sa pamilya nito.

Sabi ni Claudine, “Be prepared to defend yourselves. hope u guys have a Merry Christmas & a New Year in Court.

“All Santino & i wanted was for your family to say 'SORRY' and to assure us that ur family will NEVER RAISE YOUR HAND ON MY SON or Daughter.

“Dra. Bernadette Manalo-arcena reached out to you not only once but a couple of times coz your Son is hurting, Angry & scared but ng tataas ng PRIDE & ang YAYABANG NYO.

“I won’t be the Mother who protects my kids if i'd let this slide or worst sweep this under the Rug.

“I suggest u guys PREPARE! Merry Christmas & have a hell of a New Year!”

Sa comment section, sinabi ni Claudine na hindi diumano prinotektahan ni Raymant ang kanilang anak.


Ang bagong Facebook post na ito ni Claudine ay posibleng kaugnay ng pananakit diumano ng pamangkin ni Raymart sa anak nilang si Santino.

Ang pamangking ito ni Raymart ay anak ng kanyang eldest brother na si Randy Santiago.

Matatandaang noong November 28 ay sinabi ni Claudine sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na nagbabalak siyang maghain ng reklamong Child abuse, physical injury, at Violation Against Women and their Children (VAWC) Act laban sa pamangkin ni Raymart at sa ina nito.

Pero ayon naman kay Raymart, away-bata lang ang nangyari at pinalaki lang daw ni Claudine.

Nitong mga nakaraang araw ay sinubukan naming hingan ng pahayag si Randy tungkol sa isyu, pero hindi ito sumagot sa aming text.

Gayunpaman, mananatiling bukas ang PEP sa panig ni Randy.


Stories We Are Tracking

Claudine calls Raymart
Claudine calls Raymart "walang kwentang ama"
Raymart frustrated by Claudine's latest allegations
Raymart frustrated by Claudine's latest allegations
Claudine to file complaints against Raymart's relative
Claudine to file complaints against Raymart's relative


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN