Aiko Melendez accused by netizen of using too much filter in her bikini pics

IMAGE Instagram

Aiko Melendez responds to a netizen who accused her of using "too much filter" in her bikini pics. 


Sumagot si Aiko Melendez sa mga kritikong kumukutya sa kanya matapos niyang mag-post ng mga larawang naka-bikini siya nitong Miyerkules, December 21.

Sa unang post, kung saan naka-one-piece black swimsuit si Aiko, isang netizen ang nagkomento at sinabing gumamit ng “too much filter" ang aktres sa larawan niyang “already crooked.”


Sinagot ito ni Aiko at nilinaw na hindi siya gumamit ng filter sa larawan.

Hindi raw niya kailangan magpaliwanag at ipinapakita lang niya ang katawang pinaghirapan niyang makamit.

“Madam, wala po filters ‘yan, yung puno mismo ang baluktot.

“I don't even know why am I explaining, Gosh, do i need filters?

“Modesty aside, I need to show off what I worked hard for.

“Check out how much I work out too :) Peace.”


Sumunod na ipinost ni Aiko ang larawan kung saan naka-bathing suit siya habang naliligo sa swimming pool.

Sa caption, sinabi ng aktres na gusto niyang patunayan sa mga kritiko niyang hindi siya gumagamit ng filter at pumayat talaga siya dahil sa pagwu-workout.

May mga netizen namang pinuri si Aiko sa kanyang pagpapapayat.

Pinayuhan din siyang huwag na lang patulan ang mga basher na nagpu-post ng mga negatibong komento laban sa kanya.




Sumagot naman si Aiko sa mga tagasuporta niya, at naglabas ng sama ng loob laban sa mga kritikong laging may nasasabing mali tungkol sa kanya kahit ano pa ang gawin niya.

Aniya, hindi raw siya perfect pero pinaghirapan niya ang mas payat niyang pangangatawan ngayon.



Hindi rin daw magtataka si Aiko na kung sa susunod ay aakusahan siyang gumagamit ng “substance” kapag mas lalo siyang naging payat.



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN