Vhong Navarro happy for Anne-Erwan and Billy-Coleen engagements

IMAGE Noel Orsal

Vhong Navarro on proposing to girlfriend Tanya Winona Bautista: "Ang daming dumating na dapat ko munang asikasuhin. At alam niya yun. Alam ni Tanya yun, yung mga dapat kong asikasuhin ngayon. Kaya hintayin ko lang matapos ang mga yun, and soon, papunta din naman kami dun."


Sobrang saya ni Vhong Navarro na dalawa sa mga kaibigan niya at co-hosts sa daily noontime show ng ABS-CBN na It's Showtime! ay pareho nang engaged to be married.

Ito sina Anne Curtis at Billy Crawford.

Si Anne ay engaged na sa kanyang longtime boyfriend na si Erwan Heussaff.

Si Billy ay inaya na ring magpakasal ang kanyang girlfriend of more than two years na si Coleen Garcia.

Sa grand presscon ng pelikulang Mang Kepweng Returns kahapon, December 21, hindi mapigilan ni Vhong ang magpahayag ng kanyang saloobin tungkol sa engagements nina Anne at Billy.

Pahayag niya, “Sobrang happy kay Anne at Erwan. Gayundin kay Coleen [at Billy].

“Siyempre, matagal din nilang hinintay yun, at yun ang isang pangarap ng isang babae.

“Yung maiharap sila sa simbahan at pangarap talaga ng mga kababaihan.

“Siyempre, isang malaking responsibility din yun kina Erwan at Billy, kasi sila yung mga lalaki.

“Siyempre, kami ang mga lalaki, e. Kami ang gagawa ng paraan na kung ano bang magandang proposal ang puwedeng gawin.

“Kaya ngayon, kailangan na rin nating mag-isip-isip kung ano ba ang istilo nating gagawin.”

Ang tinutukoy ni Vhong dito ay kapag nag-propose na siya sa kanyang longtime girlfriend na si Tanya Winona Bautista.


Stories We Are Tracking

Anne Curtis and Erwan Heussaff are engaged!
Anne Curtis and Erwan Heussaff are engaged!
Jasmine Curtis-Smith overjoyed by Anne-Erwan engagement
Jasmine Curtis-Smith overjoyed by Anne-Erwan engagement
Billy Crawford and Coleen Garcia are now engaged
Billy Crawford and Coleen Garcia are now engaged
Billy Crawford to Coleen Garcia:
Billy Crawford to Coleen Garcia: "My everything."

WHAT ABOUT VHONG? Kahit masaya siya sa kanyang mga kaibigan, mukhang wala pa siyang planong yayaing magpakasal si Tanya, na matagal na rin niyang karelasyon.

Ayon sa 39-year-old comedian-TV host, “Ano, e... hindi naman sa...

“Kaya lang, ang sabi nga, parang nangyari kasi, like may 2017, may 2018.

“Parang ayaw ko namang sumabay, di ba?

“Maganda yung moment nila, e. Dapat ibigay ko muna sa kanila,” pagtukoy niya kina Anne at Erwan at kina Billy at Coleen.

May time frame ba siya na dapat kapag tumuntong na siya sa edad na ito ay ikasal na sila?

Sagot ni Vhong, “Edad? Dapat meron, kaya lang sa tingin ko ay hindi aabot, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi, ano, di ba, ang daming dumating na dapat ko munang asikasuhin.

“At alam niya yun. Alam ni Tanya yun, yung mga dapat kong asikasuhin ngayon.

“Kaya hintayin ko lang matapos ang mga yun, and soon, papunta din naman kami dun.”

DREAM WEDDING. Hindi rin nga raw maiwasan na makantiyawan siya ni Billy at mga kasamahan nila sa It's Showtime! tungkol sa plano niyang miling magpakasal.

Unang ikinasal si Vhong sa dating aktres na si Bianca Lapus, kung saan mayroon siyang anak na lalaki.

Saad niya, “Lagi nga akong nila-live ng mga ‘yan, e.

“Kanina nga, hot seat ako sa kanila, yun ang bungad nila sa akin.

“Pero okey lang naman. Ang sabi ko kasi sa kanila, tanggap ko ang mga ganun.

“Kaya lang, sabi ko, perfect timing ang kailangan.”

Pero sa presscon proper ay nabanggit ni Vhong na gusto niyang ibigay kay Tanya ang dream wedding na gusto nito.

Kaya marami ang na-curious kung ano ba itong dream wedding na ito.

Paliwanag naman niya, “Hindi ko pa maano ang detalye nun, kasi kapag bini-bring up ko yun, iba e.

“Gusto ko kasi, kapag brining-up na ang tungkol dun, yung tungkol sa topic na ‘yan, gusto ko ay yung tipong, 'Heto na, may plano na ako.'

“Kasi naman, usually kapag nagpu-propose na, saka naman kayo nag-uusap kung ano ba yung dream, e.

“Kaya hindi pa namin napag-uusapan pa.”

Ano ba ang naglalaro sa isip niyang dream wedding?

Pabirong sagot ni Vhong, “Ako, kapag naisip kong mag-propose, gusto ko yung nagpa-parachute, e.

“Para walang ano, yung kami-kami lang!” sabay tawa niya pagkatapos.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN