Ronnie Alonte on love team with Julia Barretto: "Sa tingin ko, magwu-work ito, papatok ito."

IMAGE Noel Orsal

Ronnie Alonte on love team with Julia Barretto: "Hindi ako naiilang sa kanya. Sabi ko talaga sa sarili ko, hindi ako magpapasindak sa taong ito. Gusto ko siyang mabago, gusto ko siyang kumapit sa masa, gusto ko na kapitan siya ng masa."


Isa sa mga hiling ni Ronnie Alonte sa taong 2017 ay maging matagumpay ang love team nila ni Julia Barretto.

Magkasama sila ngayon sa Star Cinema movie na Vince & Kath & James, official entry sa 2016 Metro Manila Film Festival (MMFF).

Sila rin ang magka-partner sa upcoming ABS-CBN primetime series na A Love To Last, na pinagbibidahan nina Bea Alonzo at Ian Veneracion.

Pahayag ni Ronnie tungkol sa tambalan nila ni Julia, “Sa tingin naman ng ibang tao, sabi nila, good daw, okey daw.

“Wala namang masama na i-try, e.

“Sabi ko naman sa sarili ko, wala namang masamang i-try, project din ito, bigay ito sa akin.

“Siguro, kung talagang kami ang maging partner, sobrang saya ako.

“Siguro, kung hindi pa naman po, may iba pa.”

Pakiramdam naman daw niya ay matatanggap sila ng mga tao.

Aniya, “Sa tingin ko, okey naman kami ni Julia.

“Sa tingin ko, magwu-work ito, papatok ito.”

Eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ronnie sa premiere night ng isa pa niyang entry sa MMFF 2016, ang Seklusyon, ng Reality Entertainment Inc.

Ginanap ito sa SM Megamall kagabi, December 22, na dinaluhan ng iba pang cast members, ni Direk Erik Matti, at ng producer na si Dondon Monteverde.

WORKING WITH JULIA. Kumusta naman ang working relationship nila ni Julia?

Ayon sa Hashtags member, “Hindi ako naiilang sa kanya.

“Sabi ko talaga sa sarili ko, hindi ako magpapasindak sa taong ito.

“Gusto ko siyang mabago, gusto ko siyang kumapit sa masa, gusto ko na kapitan siya ng masa.

“Yun ang gusto kong aralin para maibigay ko sa kanya, para siya kagatin ng tao, para mag-work kaming dalawa.

“At yun ang ginagawa namin ngayon.”

Paano naman nila kinikilala ang isa't isa para mas maging kampante sila?

Tugon ni Ronnie, “Siguro labas kami, lagi kaming nag-uusap, kain.

“Sa ngayon, masasabi ko talaga na sobrang kampante kami sa isa't isa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Dun kami lalong gumagawa ng chemistry.”

BASHERS. Samantala, marami ang pumuri sa kanyang pag-arte sa pelikulang Seklusyon, considering na ito ang kauna-unahang movie niya na seryoso siyang umaarte.

Pero handa naman daw siyang tanggapin kung sakaling may mam-bash sa kanya o makatangap siya ng hindi magagandang komento.

Ani Ronnie, “Sobrang saya ko na kinakabahan ako.

“Siyempre, hindi mo naman alam kung ano ang magiging opinyon sa iyo ng mga tao, e.

“May positive, may negative. Sobrang kabado ako dun sa negative.

“Sana naman, at least kasi ibinigay sa akin ni God ang project na ito, sana huwag natin kaagad i-judge kung ano man yun.

“Sana intindihin din nila na siyempre, baguhan din lang ako.”

Ano naman ang takot niya sa mabilis na oportunidad sa kanya sa showbiz?

Pag-amin ni Ronnie, “Siguro natatakot ako sa sinasabi nila na ang mga artista, sobrang bilis mawala.

“Yun ang ikinatatakot ko, pero sa tingin ko naman, nagkakataon din lang po yun.

“Sana hindi mangyari yun, lagi akong nagpi-pray kay God. Malakas ako sa Kanya, e.”

Bago raw magbago rin kaagad siya tulad ng ibang artista na nalunod daw kaagad sa isang basong tubig.

Saad ng 20-year-old newbie, “Siguro kung magbabago man ako, mananaba lang ako.

“Pero sabi ko sa sarili ko, hindi ko nakikita ang sarili ko na magbago. Mahirap.

“Sabi ko sa kanila, kapag nakita nila akong magbago, magkukulong lang ako sa bahay, magtatago.

“Pero hindi ako ganun, wala akong ganun.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN