James Blanco will not leave showbiz despite plan to migrate in New Zealand

IMAGE Noel Orsal

James Blanco on being an actor: "Ang idolohiya ko nga sa industriya na tinatapakan ko, kapag ako'y binigyan ng isang eksena na bibigyan na lang ako ng pampatak ng luha, dahil hindi na ako makaiyak, siguro yun na ang time na dapat mag-stop na akong mag-artista."


Wala raw planong iwan ni James Blanco ang showbiz sa kabila ng balitang magma-migrate na siya sa New Zealand kasama ang kanyang buong pamilya.

Paglilinaw ng aktor, “Next year, pupunta akong New Zealand.

“Dapat this December, e. Pero hindi pa naman [magma-migrate], kasi yung eldest daughter ko nga is graduating sa Grade 6.

“So, by next year, regalo namin sa kanya, tapos birthday niya at ng wife ko at the same time, kaya pupunta kami.

“Gusto kasi nilang makakita ng snow. Kasi December dun, summer, e.

“So, we decided na April na pumunta dun.”

Patuloy niya, “Maghahanap pa din kami dun ng schools at possible na aming titirhan.

“Pero hindi ibig sabihin ay ihinto ko ang pag-aartista.

“Kasi, ito ang passion ko, e.

“Siguro kung wala akong trabaho dun, balik ako dito.

“And since naman may wife is a citizen, so wala namang problema.

“Sa ngayon kasi, ang status ko, tourist pa rin, pero multiple entry.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si James sa grand presscon ng pelikulang Mang Kepweng Returns, na ginanap sa Max's Restaurant, sa Quezon City, noong December 21.

Si James ay gumaganap bilang kapatid ni Vhong Navarro, anak ng original na Mang Kepweng, na unang ginampanan ng yunaong comedian na si Chiquito.

HARD TO LEAVE. Mahirap nga raw para kay James na iwan ang industriyang naging malaking bahagi na ng kanyang buhay.

Binata pa siya ay ito na raw ang trabahong minahal niya.

Saad niya, “Mahirap talagang iwanan 'yan, e, hanggang sa pagtanda mo.

“Alam mo, sabi ko nga, ang idolohiya ko nga sa industriya na tinatapakan ko, kapag ako'y binigyan ng isang eksena na bibigyan na lang ako ng pampatak ng luha, dahil hindi na ako makaiyak, siguro yun na ang time na dapat mag-stop na akong mag-artista.

“Ako naman, ang paniniwala ko kasi, lagi na, kahit noong nag-start ako, may time para sa lahat ng tao, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi naman puwedeng ikaw na lang lagi.

“Pero hangga't nandun yung pagkakataon, yung oportunidad, hindi ako magsasawa.”

Maging ang kanyang asawa na si Tanya Creighton-Castillo ay hindi hadlang sa anumang balakin ni James sa buhay at sa kanyang career.

Fifteen years nang kasal sina James at Tanya, at may tatlo silang anak.

Ayon sa 35-year-old actor, “A, hindi naman. One at a time naman kasi ako.

“Pagkatapos ng isang proyekto, magpapahinga ako, tapos balik ako. Ganun naman kasi ako, e.

“Ayoko kasing dumating ako sa punto na hanapin ako ng mga anak ko, na yung mga panahong kinakailangan ako, ‘Dad, 'asan ka na?’

“Kaya nagpapaalam ako sa mga anak ko. Lahat ng ano nila, hindi ko na-miss, e.

“Yung circumcision ng anak kong lalaki, yung [recital]... nagba-ballet kasi yung anak ko sa school, lahat ng school activities, hindi ko na-miss yun.

“Ayoko kasi na... hindi pa naman nila maintindihan na nagtatrabaho ako, e.

“So, ang fear ko talaga ay masira ang pamilya ko, e.”

ROLES. Dahil din sa kanyang pamilya kung kaya’t ingat si James sa pagtanggap ng roles, lalo na kung may butt exposure siyang gagawin na ginagawa na ngayon ng mga sikat na aktor.

Sabi niya, “Nandun ako sa stage na nagtatalo ang isip ko.

“Kinu-consider ko rin kasi yung mga tuksuhan.

“Alam niyo naman yung cyberbullying, yung tuksuhan ng mga bata, na baka mapanood ng mga kaklase nila.

“Sa akin naman, marami namang nagpapakita ng butt na hindi bastos, wala namang problema, pero dapat nga akong i-consider.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN