Cesar Montano takes a leave from showbiz to focus on government post

IMAGE Department of Tourism Facebook

Cesar Montano on post as COO of Tourism Promotions Board: "Ang sarap i-promote ng Philippines. Wala akong makitang reason kung papaano mo hindi ipu-promote ang Philippines."


“I’m so excited. Bagong-bagong challenge ito.

“I like challenges, alam mo naman ako, mahilig ako sa maraming ginagawa.”

Ito ang nakangiting pahayag ni Cesar Montano, ang newly-appointed chief operating officer ng Tourism Promotions Board (TPB) sa unang pagkakataong pagsasalita niya matapos manumpa para sa nasabing posisyon noong Martes, December 20.

Sinabi ni Cesar na on hold muna ang kanyang showbiz career dahil priority niya ang mga responsibilidad na ipinagkatiwala ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Cesar, ang Presidential Management Staff (PMS) ang nagparating sa kanya tungkol sa trabahong ibinigay sa kanya ni Duterte.

Lahad ng aktor, “Tumawag sa akin ang PMS, ‘Ito ang available for you.’

“Matagal na silang tumawag, noong nagpunta ako sa China, kasama si President Duterte.

“May nagsabi sa akin... hindi siya close sa akin, but he’s from Bohol, si Governor Edgar Chato.

“Sabi niya, ‘Boy, tailor-made fit sa ‘yo yan, Tourism Promotions Board.

“‘Promotion ‘yan, Boy, sa domestic. Kahit saang lugar ka pumunta sa bansa na ‘to, people will regroup, magga-gather sila para sa ‘yo.’

“Matawa-tawa nga ako, sabi ko, grabe, may opisina na ako, totoo na talaga ito.”

DISNEYLAND OR UNIVERSAL STUDIOS IN SUBIC? Pagkatapos nito ay ibinahagi ni Cesar ang mga plano niya bilang COO ng TPB.

Kabilang na rito ang pagkakaroon ng Disneyland o Universal Studios sa Subic, Zambales.

“Work ko is from 9 A.M. to 5 p.m., magde-develop agad tayo ng package, ng campaign para sa TPB.

“May coordination kami sa Department of Tourism.

“We meet every first Thursday of the month for the board meeting, board of directors' meeting.

“Nakasama ko si Chairman Martin Dino of SBMA, interesado siya na magkaroon ng Disneyland o Universal Studios sa Subic, at makikipagtulungan siya sa akin.

“Puwedeng gawin na Universal Studios ang Subic kasi meron itong airport, may pier, may zoo, may ocean park, tapos may forest, may highway... lahat naroroon.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Patuloy pa ni Cesar, “Ang sarap i-promote ng Philippines.

“Wala akong makitang reason kung papaano mo hindi ipu-promote ang Philippines.

"But how would you promote it? Siyempre, kailangan mo malaman sa kanila.

“Yung insights ko will follow pagkatapos kong marinig yung mga data nila.

“Hindi tayo puwedeng magyabang na, ‘Ito ang alam ko, ito ang gawin natin.’

“No, we have to listen to them.”

Bagamat magiging abala na siya sa kanyang tungkulin sa TPB, nangako si Cesar na susuportahan pa rin niya ang entertainment industry na naging mabuti sa kanya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN