Gabby Eigenmann finally speaks up on Jake-Ellie-Andi issue

IMAGE Noel Orsal

Gabby Eigenmann on Jake Ejercito being revealed as Ellie's real father: "I see how good of a person he is... He would want to have, this kind of person, face this kind of responsibility, siya man o hindi [ang ama ni Ellie]."


Mula nang pumutok ang balitang si Jake Ejercito ang totoong ama ng anak ni Andi Eigenmann na si Ellie, wala pang reaksiyon na naririnig mula sa pinakamalapit na half-brother ng aktres na si Gabby Eigenmann.

Bago pumunta ng U.S., kunsaan magse-celebrate si Gabby at pamilya nito ng Pasko at Bagong Taon, nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang aktor sa taping ng Sa Piling Ni Nanay.

Dito ay nagpahayag si Gabby ng kanyang saloobin tungkol sa isyu nina Andi, Jake, at Ellie.

Saad niya, "Ganito lang 'yan, if it's a topic that would really... the way I see it, hindi naman ito yung topic that will totally die down.

"Pero siyempre, we all have to move on with our lives.

"Kung tatanungin mo ako kung ano ang reaksiyon ko, kung masaya ba ako? Masaya ako kasi, for the longest time, the time that when we found out that Jake is the father, we kept mum because… especially in my part, it's not my story to tell.

"It's not my sister Maxene’s story to tell, not my cousins, my titas, it's Andi's story to tell.

"Now, for whatever decision she made na huwag munang i-open sa publiko o aminin, diskarte na niya 'yan."

Ang half-sister nilang si Maxene Eigenmann ang unang nangbunyag sa podcast ng Good Times With Mo, noong September, na si Jake ang tunay na ama ng anak ni Andi na si Ellie.

Ito ay pagkatapos ng limang taong espekulasyon kung sino ang biological father ng anak ni Andi, at kung saan nadawit pa ang pangalan ng ex-boyfriend ni Andi na si Albie Casino.


Stories We Are Tracking

Max Eigenmann claims Jake is the father of Andi's daughter
Max Eigenmann claims Jake is the father of Andi's daughter
Andi, Albie, Jake: A five-year secret finally revealed?
Andi, Albie, Jake: A five-year secret finally revealed?
Andi Eigenmann: 'I have nothing to explain.'
Andi Eigenmann: 'I have nothing to explain.'
Jake on being the real dad of Ellie: I've never denied it.
Jake on being the real dad of Ellie: I've never denied it.



NOT THEIR STORY TO TELL. Naiintindihan din daw ni Gabby kung nagkaroon ng pagkakataong nag-walkout sa interview ang tiyahin niya na si Cherie Gil at gayundin ang kapatid na si Sid Lucero nang matanong tungkol sa pagkakabunyag ng tunay na ama ng anak ni Andi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Gabby, "Yes, because it's not their story to tell. It's Andi's life, e.

"Involved sila sa pagga-guide sa kanya. Pero sa personal at decision-making, kung nadapa man siya, bumangon at mag-decide hindi na siya makabangon, humingi ng tulong sa amin, so doon kami pumapasok.

"But in my case and in her case, when it comes to being kuya to Andi, ako kasi, tutok ako from the very beginning.

“When Tita Jane [Jaclyn Jose, Andi's mom] and my dad [the late Mark Gil] weren't okay, ako talaga yung tumayong…

"Well, open naman yun, ako ang tumayong hindi lang kuya niya, but parang tatay-tatayan na rin niya."

Inamin naman ni Gabby na naging mahirap sa sitwasyon niya nang biglang lumabas ang balita, lalo na't siya ang parang tumatayong ama ng kanyang mga kapatid, higit ni Andi.

Pahayag ng Kapuso actor, "Mahirap, mahirap... when the news came up, ako yung kating-kati na magsalita.

"I've been wanting to defend my sister. I've been wanting to defend Jake.

"Yun lang, the thing is, it's nakakapagod.

"They're adults already. They need to stand up for themselves."

HOLDING BACK. Pagkatapos na ilantad ni Maxene na si Jake ang biological father ng anak ni Andi, sunud-sunod ang mga batikos at pangba-bash na natanggap ng huli.

Nasaktan din siya para kay Andi?

Tugon ni Gabby, "Siyempre, siyempre. Bali-baligtarin man natin ang mundo, kapatid ko yun, e.

"Ke nasa mali siya, ke nasa tama siya, it's normal again to feel yung... na-hurt ako, e.

"Pero ano ang magagawa ko?

“Yun nga ang sinasabi kong kating-kati akong i-defend.

"Hindi rin ako puwedeng i-defend ko siya sa lahat ng nalalaman ko.

"Baka magkuwento ako na hindi rin naman ako ang dapat nagkukuwento nun. Yun lang ang punto ko."

HOW A GOOD PERSON JAKE IS. Malapit si Gabby at ang pamilya niya kay Jake.

Kumusta ang relasyon nila ngayong lumabas nga na ito talaga ang ama ni Ellie?

"Okey kami, okey kami ni Jake," paniniguro ng aktor.

"The only worry lang at that time, kasi it was very… it's a delicate matter.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Noong hindi pa nalalaman ng lolo, ni Erap [Manila Mayor Joseph Estrada].

"Siyempre, hindi namin kontrolado yun kung kailan nila balak sabihin. Kung kailan nila balak ipaalam na, 'O, apo ko 'to, diskarte na nila 'yan.'

"Pero sabi ko nga, as long as Ellie grows up as a happy child."

Patuloy niya, "Siguro kung anuman ang reaksiyon nila bakit ako ganun ka-close kay Jake, kasi he never showed bad vibes to us.

"Kung hindi man siya, I see how good of a person he is. Not just to the family but to his daughter per se.

"He would want to have, this kind of person, face this kind of responsibility, siya man o hindi [ang ama ni Ellie]."

Gugustuhin ba niyang sa bandang huli ay sina Andi at Jake pa rin ang magkatuluyan?

Tugon ni Gabby, "Actually, mas gugustuhin ko kung saan man sila dalhin ng tadhana.

"I would want to, basta maging okey sila.

"Whether maging sila o hindi sila, all for Ellie. Ayokong pilitin.

"They have their differences, but I won't be surprised if they'll end up [together] again in the near future."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN