Has Robin Padilla given up on getting a U.S. visa?

IMAGE Screengrab from Instagram video of Robin Padilla

"The state department is blocking the issuance of his visa," says Mariel Rodriguez's legal counsel in America about Robin Padilla's U.S. visa application.


“Darating din, babe, ang swerte natin diyan sa U.S. visa. Inshallah. Wala namang dahilan.”

Ito ang sinabi ni Robin Padilla sa Instagram video na nai-post niya noong Sabado, December 24.

Makikita rito ang tila video call niya sa kanyang misis na si Mariel Rodriguez, at ilang clips niya habang nagbabasa.

Sa caption naman ay ibinahagi ni Robin ang balita tungkol sa pag-a-apply niya ng U.S. visa mula sa legal counsel ni Mariel sa Amerika.

Sabi umano ng legal counsel ni Mariel, “My honest opinion is they don't want to issue him a visa.

“We have begged, pleaded, argued and should be issued the visa.

“For whatever reason, the state department is blocking the issuance of his visa.

“Believe me, I am [almost] as aggravated and frustrated as you.

“We even tried humanitarian parole, and, for whatever reason, other branches for the gov't follow along.”

Nais ni Robin magkaroon ng U.S. visa para masamahan sana ang noo'y buntis pa lamang na si Mariel. At ngayon ay para makasama ang kanilang bagong silang na anak na si Isabella.

Nabuhayan ng pag-asa si Robin nang mabigyan siya ng absolute pardon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ngunit tila nag-iba na ang pakiramdam ng aktor tungkol dito.

Sa caption pa rin ng video, sabi ng aktor: “You did your best for me already @marieltpadilla.

“'Nothing shall ever happen to us except what Allah has ordained for us. He is our Mawla [protector].'

“'And in Allah let the believers put their trust.' Quran (Surah Tawba, Verse 51)

“Sobra sobra na ang nagawa mo pati kay kumareng @analynmabao its time for you to enjoy your christmas with your family in the UsofA.”

????????My honest opinion is they don't want to issue him a visa. We have begged, pleaded, argued and should be issued the visa. For whatever reason, the state department is blocking the issuance of his visa. Believe me, I am (almost) as aggravated and frustrated as you. We even tried humanitarian parole, and, for whatever reason, other branches for the gov't follow along - Legal Representative of Mariel in United States of America ... You did your best for me already @marieltpadilla "Nothing shall ever happen to us except what Allah has ordained for us. He is our Mawla (protector).” And in Allah let the believers put their trust.) Quran (Surah Tawba, Verse 51) sobra sobra na ang nagawa mo pati kay kumareng @analynmabao its time for you to enjoy your christmas with your family in the USofA ????????

A video posted by robin padilla (@robinhoodpadilla) on

Kasunod nito ay muling ipinost ni Robin ang video.

Subalit sa caption ay nakiusap siya sa kanyang followers: “Positive lang po tayo mga kapatid.. Let us enjoy the holidays.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa ngayon ay sa pamamagitan na lamang ng video call nakakausap at nakikita ni Robin ang kanyang mag-ina na nasa Amerika.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN