Boom Labrusca proposes again to Desiree del Valle in the presence of their mothers

IMAGE Boom Labrsuca Instagram

Boom Labrusca goes down on his knees once again to ask for Desiree del Valle's hand for marriage once again, this time in front of their mothers. The celebrity couple got engaged for the first time in 2015.


Nag-propose muli ang aktor na si Boom Labrusca sa kanyang fiance na si Desiree del Valle.

Naganap ang second proposal noong December 23, Biyernes, habang nagbabakasyon ang dalawa sa San Francisco, California, USA.

Naging espesyal ang pangalawang proposal ni Boom kay Desiree dahil ginawa ito ng aktor sa harap ng mga ina nila ni Desiree.

Ito na rin ang nagsilbing pamamanhikan ng aktor sa aktres.

Ipinost ni Boom sa Instagram ang larawan kung saan nakaluhod siya sa harapan ni Desiree habang isinusuot ang singsing sa daliri ng aktres.

Masaya naman silang pinapanood ng kanilang mga ina sa likod.

Caption dito ni Boom: "Namanhikan kaming mag-ina.

"Pormal kong hiningi ang kamay ni Desiree Lois Dunham na maging Mrs. Labrusca sa harap ng aming mga ina... Darling ok lang ba sayo na maging Mrs. Labrusca.

"Sabay hiniram ko ulit yung ring darling borrow muna ???? at sinuot ko ulit."

Sabi pa ni Boom: "Ang tunay na Lalake namamanhikan."

Wala pang detalye na binabanggit sina Boom at Desiree kung kailan magaganap ang kanilang kasal.

Unang nag-propose si Boom kay Desiree noong 2015.

Nalaman ng publiko ang tungkol sa engagement nila nang mapansin ng entertainment press na dumalo sa presscon ng teleseryeng Flordeliza ang suot na engagement ring ni Desiree.

Si Boom ng ama ng Pinoy Boyband Superstar finalist na si Tony Labrusca.


Stories We Are Tracking

<p>Desiree del Valle engaged now to Boom Labrusca</p>

Desiree del Valle engaged now to Boom Labrusca

<p>Desiree del Valle confirms engagement to Boom Labrusca</p&

Desiree del Valle confirms engagement to Boom Labrusca



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN