Jason Abalos witnesses the magic of Nora Aunor's charisma

IMAGE Jason Abalos Instagram

Personal na nasaksihan ni Jason Abalos ang charisma ng Superstar na si Nora Aunor sa mga masa sa Parade of Stars ng MMFF 2016. Magkasama ang dalawa sa official entry na Kabisera.


Hindi napigilan ng Kapamilya actor na si Jason Abalos na mag-post sa Instagram ng paghanga niya sa Superstar na si Nora Aunor.

Magkasama ang dalawa sa 2016 Metro Manila Film Festival (MMFF) entry na Kabisera.

Ayon sa aktor, hindi niya maintindihan noon kung bakit idolo ng kanyang ina ang Superstar.

Marami naman daw puwedeng magustuhan ang ina na artista, pero si Nora lang daw ang natatanging paborito nito.

Ngunit personal daw na nasaksihan ni Jason ang pagiging sikat ni Nora at kung bakit ito tinawag na Superstar noong Parade of Stars ng MMFF.

Hindi raw makapaniwala si Jason sa mga fans na lumapit sa kanilang float para lang makamayan at mahawakan si Ate Guy.

Ngayon ay naiintindihan na raw niya kung bakit Noranian ang kanyang ina dahil sa pagiging malapit nito sa masa.

Ito ang post ni Jason sa Instagram noong December 23:

“Bakit Nora Aunor si Nora Aunor? Magaling umarte? Maganda ang boses? Maganda ang mukha? Madami naman talented at maganda eh bakit sya ang Nora Aunor? Hindi ko alm kung bakit kasi bata pa ako at wal pa akong alam sa showbiz noon.

“Pero buong parade of stars nasa likod lang nya ako at pinagmamasdan sya, isa lang ang masasabi ko! Superstar sya dahil bukod sa talented sya ay mahal nya ang fans nya, di sya napagod kakaikot sa buong float, akyat, baba, likod at harap para lang masigurong matugunan nya ang tawag ng bawat nag aabanang sa parada, nasugatan na sya sa noo pero tuloy pa din.. ngayon nabuo na sa isip ko kung bakit si Ate Guy ay si Ate Guy :) binabalik nya ng totoong pagmamahal ang pagmamahal na binibigay sa kanya :) kaya pala ang Mama ko ay Noranian #kabisera

Bakit Nora Aunor si Nora Aunor? Magaling umarte? Maganda ang boses? Maganda ang mukha? Madami naman talented at maganda eh bakit sya ang Nora Aunor? Hindi ko alm kung bakit kasi bata pa ako at wal pa akong alam sa showbiz noon. Pero buong parade of stars nasa likod lang nya ako at pinagmamasdan sya, isa lang ang masasabi ko! Superstar sya dahil bukod sa talented sya ay mahal nya ang fans nya, di sya napagod kakaikot sa buong float, akyat, baba, likod at harap para lang masigurong matugunan nya ang tawag ng bawat nag aabanang sa parada, nasugatan na sya sa noo pero tuloy pa din.. ngayon nabuo na sa isip ko kung bakit si Ate Guy ay si Ate Guy :) binabalik nya ng totoong pagmamahal ang pagmamahal na binibigay sa kanya :) kaya pala ang Mama ko ay Noranian #kabisera

A photo posted by Jason Abalos (@thejasonabalos) on


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN