Die Beautiful actor Christian Bables not worried about being mistaken as gay

IMAGE Facebook / Noel Orsal

Christian Bables on playing gay roles in his first two movies: "As an actor, sobrang gusto ko rin ng challenges. So, nung inaaral ko siya, nung inaaral ko yung character, nag-enjoy po ako, kasi ang dami kong natutunan about the LGBT community."


Isang transgender ang role ng baguhang aktor na si Christian Bables sa 2016 Metro Manila Film Festival (MMFF) entry na Die Beautiful.

Siya ang gumaganap na best friend ng bidang si Paolo Ballesteros sa pelikula.

Sa unang pelikula ni Christian na I Love You To Death ay bakla rin ang role niya.

Pero sa totoong buhay ay hindi raw siya bakla.

Hindi ba siya nag-aalala na baka pagdudahan siyang gay sa tunay na buhay?

Tugon ni Christian sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), "Hindi, ano naman po, kumbaga, as an actor, sobrang gusto ko rin ng challenges.

"So, nung inaaral ko siya, nung inaaral ko yung character, nag-enjoy po ako, kasi ang dami kong natutunan about the LGBT community."

Hindi pa ba siya napagdududahan?

Tugon niya, "Yung mga hindi po nakakakilala sa akin, kagaya ng mga nakapanood ng trailer ng Die Beautiful, yung mga comments pag nabasa mo, 'Bading ba talaga siya?!' Ganun.

"Pero yung mga nakakakilala po sa akin, hindi naman."

May peg ba siya o pinaggayahan ng role niya?

"Actually, ang ginawa ko pong paghahanda, nag-immerse po ako."

Naligawan na ba siya ng bading?

"Sa totoo po, opo, maraming mga indecent proposals," pag-amin ni Christian.

Ano na ang in-offer sa kanya?

"Nakaranas ako ng... kasi before, nagko-commute ako, nung nag-aaral pa po ako, tinigilan ako ng kotse.

"Tapos parang nakakahiya kasi binaba niya yung bintana, sabi niya, 'Boy, boy, isang libo!'

"Nakakahiya talaga! Nung una parang? nainis po ako kasi siyempre, di ba?"

Ano ang isinagot niya?

"Ayoko rin po kasing makapambastos, so parang? hindi ko na lang po pinansin," sabi ng 24-year-old actor.

Si Christian ay graduate ng Communication Arts sa De La Salle University sa Dasmarinas, Cavite.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN