Newbies John Vic de Guzman and JR Versales take the plunge as actors in Seklusyon

IMAGE Noel Orsal

John Vic de Guzman (left) and JR Versales are both thankful to Direk Erik Matti for guiding them in preparing for their respective roles in Seklusyon.


Two promising newcomers ang ipinapakilala sa horror-thriller film na Seklusyon, isa sa official entries sa 2016 Metro Manila Film Festival (MMFF).

Ito ay ang volleyball player na si John Vic de Guzman at ang model from Cebu na si JR Versales.

Kapwa sila na-discover ni Direk Erik Matti at pinag-workshop para gumanap bilang deacons sa Seklusyon, kung saan kasama rin nila sa cast ang Kapamilya stars na sina Dominic Roque at Ronnie Alonte.

JOHN VIC DE GUZMAN. Para sa team captain ng volleyball team ng College of Saint Benilde Blazers na si John Vic, isang bagong career ang papasukin niya pagkatapos ng ilang taong paglalaro para sa kanyang kolehiyo at sa national team.

Sabi niya, "I really have no acting background. Wala talaga kasi I'm more into sports.

"But Direk Erik asked me to audition for the role of Marco. Hindi ko inaasahan na mapapatawag ulit ako.

"Soon enough, we were shooting the film in Pililia, Rizal.

"Parang hindi ako makapaniwala na may ginagawa na akong pelikula tapos pumasok pa sa MMFF."

Kinabahan daw noong una si John Vic sa kanyang mga unang araw ng shooting sa Seklusyon. Pero hindi raw niya nakalimutan ang mga natutunan niya sa acting workshop.

"Dahil wala nga po akong acting background, I only relied sa mga itinuro sa amin sa workshop.

"Yung role ko naman as Marco, marami siyang kinikimkim na mga sikreto.

"Gusto ni Direk Erik na ilabas ko ang mga emotions ko through my eyes.

"Mahirap po, pero base on sa feedback from Direk Erik, nagawa ko naman daw nang maayos," saad niya.

Graduating na sa kanyang course in Human Resource Management si John Vic. Kaya handa na raw siyang pasukin ang bagong yugto ng kanyang career.

"Since graduating na po ako next year, and it's my last year na rin sa volleyball team at sa national team, I am looking forward na magkaroon tayo ng bagong career, particularly here in showbiz.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"It's different from where I came from. Pero marami akong matututunan.

"I'm a fast learner, kaya subukan ko na rin ito," sabi niya.

Pang-leading man ang dating ni John Vic dahil sa height nitong 6'2" at sa kanyang moreno features, tiyak na maraming puwedeng itambal sa kanya.

Wala bang magseselos na girlfriend si John Vic?

"Actually, I have a girlfriend now, pero nagkakalabuan na rin kami," pag-amin ng binata.

"One year na rin ang relationship namin, pero marami na kaming hindi napagkakasunduan.

"Ang pinaka pinagtatalunan namin ay yung oras.

"Dahil sa mga ginagawa ko for the national team, I spend less time with her.

"Tapos pinasok ko pa itong pag-aartista, lalo akong nawalan ng oras sa kanya.

"Hindi pa naman kami naghihiwalay, pero sa nangyayaring pag-aaway namin, I think it's better na maghiwalay na rin kami kesa yung nag-aaway kami parati."

JR VERSALES. Si JR Versales naman ay hindi na bago sa paggawa ng pelikula dahil nagtrabago siya bilang special effects assistant sa mga pelikulang Wapakman noong 2009 at Tiktik: The Aswang Chronicles noong 2012.

Kaya sa pagkakataong ito ay nasa harap na ng kamera si JR bilang aktor sa pelikulang Seklusyon.

Taga-Labangon, Cebu si JR at isa siyang Hotel and Restaurant Management student sa University of Cebu.

Ayon kay JR, tumigil siya ng kanyang pag-aaral dahil sa financial problems sa kanilang pamilya.

"I stopped noong second year na ako. Hindi na kami kayang pag-aralin ng sabay ng kapatid ko.

"Mother ko lang kasi ang nagwu-work noon. My father passed away four years ago.

"Kaya ako na ang tumigil para ang ate ko ang magpatuloy."

Patuloy niya, "Naghanap ako ng paraan para makatulong ako sa mga panggastos namin araw-araw.

"That's how I got into modeling sa Cebu. I model for designers. Mga formal and casual wear.

"Never pa naman ako nag-model ng underwear. Lagi po akong nakadamit!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Direk Erik Matti raw ang pumili sa kanya para sa role na Marco sa Seklusyon. Pinag-acting workshop siya at inalalayan siya habang nagsu-shooting sila.

Lahad ni J.R. "Malaki ang pasasalamat ko kay Direk Erik kasi naging matulungin siya sa aming lahat.

"Lalo na sa akin, kasi noong una ay hirap akong magbigkas ng Tagalog words. Malalalim pa naman ang mga Tagalog sa script ng Seklusyon.

"Kaya nagpapasalamat ako sa patience na ipinakita niya sa akin.

"I really tried my best na mawala ang puntong Bisaya ko.

"Pinaulit-ulit kong magbasa ng Tagalog para masanay ang dila ko."

Ngayon ay mina-manage na si JR ni Dondon Monteverde at maraming naka-lineup na trabaho para sa kanya.

Dahil sa bagong career niya sa Manila, pansamantala muna niyang iiwan ang kanyang hometown.

May mami-miss ba siya roon bukod sa kanyang pamilya?

Tugon ni JR, "Aside from my family, wala na akong ibang mami-miss.

"Wala naman akong girlfriend. We broke up three years ago.

"Naging priority ko ang pagtatrabaho noon dahil sa pamilya ko. Parang hindi niya naintindihan iyon kaya naghiwalay kami.

"Okey lang po kasi mas makakapag-concentrate ako sa work ko rito sa Manila. Wala akong iisipin na ibang tao kundi ang pamilya ko na kailangan kong tulungan."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN