Liza Diño reveals struggles of Aiza Seguerra as NYC chairperson

IMAGE Aiza Seguerra Instagram

Liza Diño on how their government posts affected relationship with Aiza Seguerra as married couple: "Halos hindi na kami nagkikita ni Aiza. May mga times na siguro, as husband and wife, parang pareho naming pinagdadaanan ngayon. Marami kaming bagay na hindi talaga kami sanay, tapos may mga problema din na parehong galing sa ahensiya namin."


Inamin ni Liza Dino na apektado ang pagsasama nila ni Aiza Seguerra dahil sa mga posisyon nila sa gobyerno ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Si Liza ang head ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) at si Aiza naman ang chairman ng National Youth Commission (NYC).

Ayon kay Liza, “Bilang misis, malaking adjustment talaga!

“Halos hindi na kami nagkikita ni Aiza.

“May mga times na siguro, as husband and wife, parang pareho naming pinagdadaanan ngayon.

“Marami kaming bagay na hindi talaga kami sanay, tapos may mga problema din na parehong galing sa ahensiya namin.

“Tapos pagdating sa bahay, ako yung mas madaldal, so ako yung mas nakakapag-share; siya hindi nakakapag-share!

“So, medyo bundled up sa kanya.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Liza sa launch ng 1st CCH Media and Film Festival.

Ang layunin nito ay himukin ang mga taga-Rizal Province na ipakita ang husay nila sa filmmaking at pagpapakita ng kagandahan ng Rizal at ng kultura nito, lalo na ang bayan ng Rodriguez (dating Montalban).

Bukas ito sa lahat ng filmmakers mula sa Rizal at may dalawang kategorya ng kumpetisyon; ang Infomercial at Film Documentary.

AIZA'S ADJUSTMENTS. Ibinahagi rin ni Liza ang adjustments ni Aiza sa posisyon nito bilang NYC chairman.

“Siguro yung pressure na it’s Aiza’s first time talaga din to hold a position na hindi niya gamay.

“For the first time in his life, he’s been so within his comfort zone, talagang he championed lahat, so… perfectionist yun, e.

“So, talagang pag bagay na bago sa kanya, napu-frustrate siya pag hindi niya alam agad kung paano i-solve.

“But it’s a learning process and we’re together solving this.

“Nakikita ko yung dedication sa kanya.

“He’s so used to being on the ground, hindi ‘yan sanay na nasa opisina, pirma nang pirma, ayaw niya!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Talagang dun siya nagda-doubt, e, na parang, ‘Hindi ko yata kaya yung bureaucracy na ito.’

“Pero ngayon kasi, nag-uumpisa na yung mga meetings niya with the youth mismo.

“Nagpunta na siya sa Mamanwa Tribe, nagpunta na siya sa mga kasuluk-sulukan sa Butuan, so renewed ulit yung spirit niya.”

Saad pa ni Liza, “So, yun, very real yung pang-araw-araw naming pinagdadaanan as a couple.

“Kasi siyempre, yung the way we support the community, talagang sobrang hands-on kami.

“So, yung mga pang-araw-araw na mga issues, talagang diyan kami nakatutok talaga.

“Sinabi ko sa kanya na, ‘Siguro, love, it’s more like hindi ka lang talaga sanay.’

“But he’s very happy with what I’m doing.

"And I’m always finding ways to just really encourage him na, ‘You know what, love, dalhin mo yung prinsipyo mo, dalhin mo yung tapang mo dito sa ginagawa mo.

"'Huwag kang magpatalo sa bureaucracy. Ibahin mo! Kaya ikaw ang inilagay diyan. Think out of the box.’”

Dagdag ni Liza, “So, it’s an everyday experience for us and I’m really seeing him slowly adjusting.

“I’m so happy for him kasi mahal na mahal siya ng staff niya and nakikita nila yung dedication niya.

“Pareho naman, e. Ako, sinuportahan niya ako sa mga times na, ‘Ano ba ‘yan, artista pa ba ako?’

“May mga ganyan akong questions.

“And in the time na medyo siya naman ang nagku-question na, ‘Am I relevant, am I doing my job?’

“Mas direct kasi yung feedback sa atin, e, di ba? Ramdam mo agad na nandiyan.

“But I love my husband. I admire him talaga sa ginagawa niya ngayon, malaking sacrifice.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN