Lovi Poe and Chris Johnson fly to Thailand for post-Christmas celebration

IMAGE @poevirginia on Instagram

Lovi Poe and Frechman Chris Johnson flew to Thailand yesterday, December 26, for their post-Christmas celebration.


Nasa Phuket, Thailand ngayon si Lovi Poe para sa kanyang post-Christmas celebration.

Lumipad patungong Thailand ang Kapuso actress, kasama ang napapabalitang boyfriend niyang si Chris Johnson, kahapon, December 26.

Naka-check in sila sa Hyatt Regency Phuket Resort.

Sa Instagram stories ng dalaga ay makikitang nagsusungit ang Frenchman habang kinukulit ni Lovi. Kalaunan ay ngumiti rin ito nang makitang kinukuhanan siya ng video ng aktres.

Kasama ng isang video clip ang caption na: "sometimes arrogance takes over."

Sa series of posts ni Lovi ay makikitang kumportableng-kumportable na sila ni Chris sa isa't isa.

Caption niya: "Time to get that tan back."

A photo posted by Lovi Poe (@poevirginia) on

Nasundan pa ito ng sweet photo ng dalawa.

Kalakip ng larawan nilang magkaharap ang caption na "Travelers."

A photo posted by Lovi Poe (@poevirginia) on

Ibinahagi rin ng aktres ang isa sa mga Christmas gift sa kanya ni Chris: isang libro na pinamagatang Shortcut to French.


Sa Thailand na rin sasalubungin nina Lovi at Chris ang New Year.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN