Lovi Poe reveals reason for bringing sad memories of 2016 in the coming year

IMAGE Reielle Deslate

Lovi Poe on what she will try to change in 2017: "Sorry, ang babaw po nito. Pero grabe po talaga akong mag-snacks ng chocolates. Grabe po talaga ako. Yung marshmallow rin."


Ngayong papasok na ang taong 2017, walang gustong kalimutan si Lovi Poe sa mga pinagdaanan niya ngayong patapos na ang 2016.

Kahit na sa taong ito nagwakas ang relasyon nila ni Rocco Nacino pagkatapos ng dalawang taon.

Pahayag ng Kapuso actress, “Ako, I always bring... That’s what I always tell myself.

"For me to be able to act, I cannot come to terms with my past, dapat nandoon pa rin siya.

“Of course, nakaka-move on naman talaga. But I never let go of anything, kasi I need it for my work.”

May New Year’s Resolution ba siya?

Ayon kay Lovi, “New Year’s Resolution? Sa totoo lang, hindi ako marunong tumupad ng New Year’s Resolution.

“The more that I’ll tell to do something, the more na hindi.

“Pero siguro, baguhin is... sorry, ang babaw po nito. Pero grabe po talaga akong mag-snacks ng chocolates.

“Grabe po talaga ako. Yung marshmallow rin.

“Yung mga junk food, mahilig din ako, pero yun ang medyo na-let go ko na before.

“Yung chocolates, cake, hay naku, seryoso! Sweets talaga.

“Tapos, feeling ko, addiction yung cookies.

“Maglalakad talaga ako, bibili ako ng cookies, tapos wala yung tindera, I’m like, ‘Hay, wala siya!

“Sabi ko, at least, hindi ako kakain. Pero pagbalik ko, ayan, bibili ulit ako!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN