Maine Mendoza does not see herself growing old in showbiz

IMAGE Photo grabbed from You Tube: This Is Real

Maine Mendoza was asked by Kris Aquino if she sees herself being in showbiz 20 years from now. The phenomenal star replied, "Parang feeling ko po kasi, hahanapin ko rin po yung normal na buhay. Yung buhay ko po before na ganito."


Hindi nakikita ni Maine Mendoza ang sarili na mananatili sa showbiz hanggang sa kanyang pagtanda.

Sa third part ng one-on-one online interview ni Kris Aquino kay Maine, tinanong ng Queen of All Media kung nakikita ng Eat Bulaga! mainstay ang sarili na nasa showbiz pa rin 20 years from now.

Tugon ng Kapuso prime star, “Honestly, feeling ko po, baka hindi.

“Parang feeling ko po kasi, hahanapin ko rin po yung normal na buhay. Yung buhay ko po before na ganito.

“Tahimik lang. Di napapansin ng tao. Yung parang ganun lang po.

“Basta yung buhay ko po before ako pumasok dito [sa showbiz].”

Pagdating naman sa pag-handle ng bashers, sabi ni Maine: “Keber lang. Deadma lang.”

THE ADJUSTMENT. Mahigit isang taon pa lang sa showbiz si Maine, ngunit namamayagpag na ang kanyang career dahil sa pagkakapareha niya kay Alden Richards.

Nakilala ang kanilang love team na AlDub.

Pero hindi raw masyadong iniisip ni Maine ang kanyang katanyagan, kahit marami ang ayaw siyang paniwalaan.

Saad niya, “Ayoko pong isipin yung nangyayari sa ‘kin ngayon.

"Kasi feeling ko, yun din yung isa sa mga factors kung bakit hindi po umaakyat sa ulo ko yung nangyayari.

"Parang just go with the flow lang po ako sa nangyayari.

“Ine-enjoy ko lang po lahat.

“Kasi, hindi naniniwala yung mga tao kapag sinasabi kong hindi pa nagsi-sink in [yung fame].”

Maging ang pamilya raw ng dalaga ay hindi pa rin nasasanay sa showbiz life niya.

“Well, yung parents ko po, hindi pa talaga.

“Kasi, every time na aalis po kami, magmu-mall, ganyan, pupunta sa public place, parang naa-amaze pa rin talaga.

"Lalo na yung tatay ko, kahit one year na po nakalipas, parang bagung-bago pa rin po."

Lubos naman ang pagpapasalamat ni Maine sa kanyang mga tagasuporta dahil sa ibinigay na tiwala sa kanya.

“Thank you kasi naniniwala nga kayo sa akin, kahit ako hindi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Thank you dahil nandiyan kayo lagi for me and Alden.

"And salamat lang sa suporta and sa pagmamahal na maski yung sarili ko, pinagkakaitan ko.

“So, thank you guys for the love and support.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN