Khalil Ramos affirms closeness to Daniel Padilla: "Very solid kami."

IMAGE Noel Orsal

Khalil Ramos says he will continue to pursue his singing career even when acting seems to be his true calling.


Hindi raw totoo ang balitang nagkaroon ng falling-out sina Khalil Ramos at Daniel Padilla bilang magbarkada.

“Hindi, never, very solid kami,” tanggi ni Khalil.

Kuwento pa niya, “Lagi kaming magkasama… well, ngayon, kasi may trabaho siya, may trabaho ako, busy kami parehas.

“Taga-South ako, e, te-text ko yun pagka halimbawa may trabaho ako sa North, tapos male-late ako.

“Pupunta akong bahay niya, chill lang kami dun, chill lang kaming barkada, tapos sleep-over kami, ganyan.”

ACTING CHALLENGE. Nagsimula sa showbiz si Khalil bilang singer, second placer siya sa Pilipinas Got Talent noong 2011.

Plano raw niyang ilabas ang tunay niyang genre na alternative rock at magbuo ng banda.

Si Khalil ay talent ng Cornerstone Entertainment ni Erickson Raymundo at hindi raw niya tatalikuran ang kanyang singing career, lalo’t mas nakikilala siya ngayon bilang aktor.

Nasa cast siya ng Ang Babae Sa Septic Tank 2 #ForeverIsNotEnough, isa sa mga nangunguna sa takilya sa mga entries sa Metro Manila Film Festival.

Sa pelikula ay wala siyang dayalog sa halos kabuuan ng pelikula, mahirap ba?

Sabi ni Khalil, “I wouldn’t say na mahirap siya pero I wouldn’t say na madali siya.

“Same, same siya, may dayalog ka or wala, parehas lang siya na kailangang lumalabas yung emosyon mo.

“And meron akong eksena na nahihirapan ako kasi may sinasabi ako sa mata ko.

“May sinasabi ako sa isip ko pero hindi ko puwedeng ilabas iyon, so kailangang makita sa mukha ko.”

May eksena rin daw na nagpapatawa si Eugene Domingo na bida sa pelikula, pero kailangang pigilan ni Khalil na tumawa.

Kailangan ang emsoyon niya sa eksena ay naiiyak siya, at nahirapan daw si Khalil dun, “Mahirap, mahirap siya.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN