Seklusyon star and volleyball player John Vic de Guzman admits crush on Liza Soberano

IMAGE Noel Orsal

John Vic de Guzman wears several hats as student, athlete, model and actor. He makes multitasking sounds easy, saying, "Masaya naman ako kasi bale lahat ng ginagawa ko, pinagsasama ko, and nae-enjoy ko naman silang lahat."


Kung dumating daw ang araw na mabibigyan ng big project ang newcomer na si John Vic de Guzman, tinukoy niya ang isang aktres na nais niyang maging leading lady.

“Crush ko po sa showbiz si Liza Soberano,” tahasan niyang pag-amin.

Hindi pa raw niya nakikilala nang personal ang Kapamilya actress.

Kaya na ba niyang tapatan si Enrique Gil na ka-love team ni Liza?

Sabi ni John Vic, “Hindi ko po masasabi kasi talagang sobrang sikat na po.

“But kung mabibigyan ako ng break, hopefully, sana po.”

THE ATHLETE. Volleyball player mula sa College of St. Benilde si John Vic.

Graduating na siya sa kursong Human Resource Management next year kaya huling taon na rin niya ng paglalaro para sa St. Benilde.

Aware daw si John Vic sa sinasabing bading daw ang mga lalaking volleyball player.

Aniya, “Lagi po nilang sinasabi ‘yan, but on my part kasi, wala, hindi ko na lang sila pinapansin.”

Hindi raw siya bading.

“Basta naglalaro ako, kung ano ang tingin niyo sa akin, kayo na ang bahalang maghusga.”

Badminton player daw siya nung high school at nag-tryout siya sa volleyball para makakuha ng scholarship.

Ayon pa kay John Vic, “Iyon po kasi ang reason kaya nakakapag-aral ako kaya minahal ko po ang volleyball.”

TASTE OF SHOWBIZ. Bilang atleta ay bawal siyang magpuyat.

Pero pinasok nito ang pag-aartista na puyatan ang trabaho kapag may shooting at taping.

Nag-audition at nakasama si John Vic sa cast ng Seklusyon sa direksiyon ni Erik Matti.

Aniya, “First na try ko sa shooting, medyo nahirapan ako mag-adjust… pina-pack up kami ni Direk, 2 a.m.

“Uuwi, then may training ako by 6 a.m., kasabay pa ng studies ko, gagawa ako ng thesis.

“Pero masaya naman ako kasi bale lahat ng ginagawa ko, pinagsasama ko, and nae-enjoy ko naman silang lahat.”

Bago maging artista ay nagmomodelo si John Vic, pero hindi raw niya naranasang sumali sa anumang male pageant.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kung mao-offer-an ng underwear commercial or endorsement ay tatanggapin naman daw ni John Vic.

“Why not po kung may opportunity, why not po?

"But not yung totally… nude. Yung hubad-hubad, hindi po muna.”

Gay role?

“Why not, why not po?” ang mabilis na sagot ni John Vic, “kaya naman pong mai-workshop yun.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN