Hollywood legend Debbie Reynolds dies one day after daughter Carrie Fisher

IMAGE AP

Magkasunod na araw pumanaw ang mag-inang sina Debbie Reynolds at Carrie Fisher. Si Carrie ay pumanaw noong December 27 at si Debbie naman ay namatay nitong December 28 (US time).


Nagdadalamhati ngayon ang Hollywood dahil sa magkasunod na pagpanaw ng mag-inang Debbie Reynolds at Carrie Fisher.

Si Carrie, na nakilala sa kanyang iconic role bilang Princess Leia sa Star Wars movies, ay pumanaw noong Martes, December 27 (US time), ilang araw pagkatapos ma-cardiac arrest habang nasa eroplano, galing London papuntang Los Angeles.

Siya ay 60 years old.

Kinabukasan, Miyerkules, December 28 (US time), ang kanya namang ina na si Debbie ang pumanaw sa edad na 84.

Si Debbie ay sumikat dahil sa 1952 musical film na Singin' In The Rain, kapareha si Gene Kelly.

Ayon sa anak ni Debbie na si Todd Fisher, isinugod sa ospital ang Hollywood legend dahil sa stroke.

Dagdag pa ni Todd sa Variety magazine, "She wanted to be with Carrie."

Nang mamatay si Carrie ay nag-post pa ng mensahe si Debbie sa Facebook: "Thank you to everyone who has embraced the gifts and talents of my beloved and amazing daughter. I am grateful for your thoughts and prayers that are now guiding her to her next stop."

Ngunit hindi inakala ng lahat na isang araw lamang ang lilipas ay susunod na rin si Debbie.

Maliban sa pagiging isang aktres, si Carrie ay isa ring author at screenwriter.

Ang kanyang semi-autobiographical novel na Postcards From The Edge ay isinapelikula noong 1990, kung saan bida ang Oscar-winning actresses na sina Meryl Streep at Shirley MacLaine.

Tinalakay sa pelikula ang pakikipaglaban ni Carrie sa droga at ang di perpektong relasyon nila ng kanyang ina.

Dumating din ang punto na hindi nag-usap ng ilang taon ang mag-ina, pero kalaunan ay naging malapit sila sa isa't isa.

Sina Carrie at Todd ay anak ni Debbie sa singer na si Eddie Fisher.

Nagunit naghiwalay sina Debbie at Eddie dahil nagkarelasyon ang huli sa isa pang Hollywood legend na si Elizabeth Taylor.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN