Tom Rodriguez admits proposing to Carla Abellana is part of his plan

IMAGE Tom Rodriguez Instagram

Tom Rodriguez on proposing to girlfriend Carla Abellana: "I cannot put a timeline for everyone on it. Pero I know when it would be. Ipaubaya niyo muna sa akin. Sa akin na lang muna! But definitely, it's cooking, it's there."


Inamin ni Tom Rodriguez na napag-uusapan na nila ng kanyang girlfriend na si Carla Abellana ang tungkol sa pagpapakasal.

Tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Tom tungkol dito dahil sa back-to-back engagements ng celebrity couples na sina Anne Curtis at Erwan Heussaff at Billy Crawford at Coleen Garcia.

Sila ni Carla, papunta na rin kaya doon?

“Definitely, definitely,” mabilis na sagot ni Tom.

Isa raw ito sa siguradong plano ng Kapuso actor.

“That’s the thing that I was talking about the future,” sambit niya.

Baka naman nag-propose na siya kay Carla?

Tanggi ng Kapuso actor, “Hindi pa. I really wanna make sure that everything is set up.”

Kailan niya nakikitang mangyayari ito?

Sagot ni Tom. “Not too long. I’m twenty-nine, I don’t wanna wait.

“But I cannot put a timeline for everyone on it. Pero I know when it would be.

“Ipaubaya niyo muna sa akin. Sa akin na lang muna!

“But definitely, it’s cooking, it’s there.”

Si Carla na talaga?

“Yes,” mabilis na tugon ni Tom sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

TOM IN 2017. Sa ngayon, hindi raw muna iniisip ni Tom ang mga posibleng proyektong gagawin niya sa 2017.

Gusto raw muna niyang magbakasyon ngayong tapos na siyang mag-taping para sa primetime series ng GMA Network na Someone To Watch Over Me.

Noong December 22 ay lumipad si Tom sa Amerika, kunsaan ipinagdiwang niya ang Pasko kasama ang kanyang pamilya, lalo na ang ama niyang may sakit.

Stage 4 lung cancer ang sakit ng ama ni Tom na isang Amerikano. Pero naoperahan na raw ito at natanggal na ang mass nito sa baga.

Dad with his babies :):):)

A video posted by Tom Rodriguez (@akosimangtomas) on

Kumusta ang daddy niya?

Ayon kay Tom, “He’s recovering well, he’s very, very well. He’s gaining weight.

“He just had a biopsy kasi, so they’ll check if it’s a scar tissue or another mass.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“He’s a strong guy kaya I’m claiming it na he’s healed.

“He’s getting his weight back, he’s good.”

Magkahiwalay sila ni Carla noong Kapaskuhan. Pero sa Bagong Taon ay magkasama raw sila dahil susunod ang aktres sa kanya sa Amerika.

“I’m really happy,” nakangiting sabi ni Tom.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN