Paolo Ballesteros posts fan-mode moment with Nora Aunor

IMAGE Instagram (@pochoy_29)

Paolo Ballesteros went into fan-mode when he saw childhood idol Nora Aunor at the Metro Manila Film Festival 2016 Parade of the Stars last Friday, December 23. 


Nagpaka-fan si Paolo Ballesteros sa nag-iisang Superstar na si Nora Aunor sa 2016 Metro Manila Film Festival (MMFF) Parade of the Stars noong nakaraang linggo.

Parehong may pelikula sina Paolo at Nora ngayong MMFF: Die Beautiful kay Paolo at Kabisera naman kay Ate Guy.

Naganap ang Araw ng Parada, na dinaluhan ng mga artistang kasama sa MMFF entries, noong December 23, mula Manila City Hall hanggang Plaza Miranda.

Kasama sina Paolo at Nora sa nakilahok sa nasabing parade.

Sa kanyang Instagram account, ipinost ng Eat Bulaga! host ang picture nilang dalawa ng Superstar noong parada.

Ibinahagi naman niya sa caption kung gaano siya ka-fan ni Nora noong kabataan niya.

Sabi ni Paolo: “Di ko makakalimutan nung grade school ako, sumali ako sa poster-making contest sa simbahan sa 'men sa Cabanatuan, tas ako ang nanalo ng first prize, 500 pesos.

“Pag-uwe ko sa bahay bitbit ang 500 pesos ko, ang una ko ginawa, inaya at nilibre ko ang kapated ko @yayin_073072 manuod ng FLOR CONTEMPLACION ni Ate Guy!!!!!

“Sobrang saya ko no’n, sa movie niya napunta ang pinaghirapan ko, hehehe.

“Nakakatuwa magkasama tayo ngayon sa iisang parade. #mmff #dieBeautiful #Kabisera”

Sa comment section, tinanong ng entertainment columnist na si Allan Diones si Paolo kung naibahagi niya ang istoryang ito nang magkita sila ni Ate Guy.

Sabi ni Paolo, hindi niya naikuwento ito kay Ate Guy dahil nahiya siya.



Sa kasalukuyan, isa ang Die Beautiful sa mga nangunguna sa takilya sa MMFF.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN