Alden Richards denies having a "mystery girlfriend"

IMAGE Rene Mejia for YES!

Alden Richards refutes report that his luxury car is often seen in a posh subdivision in Makati City, where his supposed "mystery girlfriend" lives.


Pinabulaanan ni Alden Richards na mayroon siyang "mystery girlfriend."

Sa column ng veteran entertainment editor at columnist na si Ricky Lo sa The Philippine STAR ngayong Huwebes, December 29, ay sinabi nitong madalas daw nakikita nitong mga nakalipas na araw ang sasakyan ni Alden na Savana GMC sa isang "posh subdivision in Makati City."

Ito ay dahil binibisita raw ng Kapuso actor-TV host ang "mystery girlfriend" nito.

Ang "Mystery Girlfriend" diumano na ito ni Alden ay isang magandang non-showbiz girl na nakilala ng aktor sa isang event para sa Coke, kung saan dating nagtatrabaho ang babae.

Ayon pa raw sa "VDPA (Very Deep Penetrating Agent)" ni Ricky, ang nasabing babae ay mula sa isang mayamang pamilya sa Pampanga at konektado na raw sa ibang kompanya.

Ngunit mariin itong itinanggi ni Alden sa pamamagitan ng kanyang Facebook post ngayong araw rin.

Sabi ng Pambansang Bae, "Guten Morgen guys! I woke up & read an article about me & a 'mystery' girl?

"I just wanna make it clear that I don't have a mystery girlfriend.

"The only time I went to a posh village in Makati was when I visited Dra. Vicky Belo & Scarlet Snow, with some staff from Artist Center... so dili man po totoo yung balita."

Idinagdag din ni Alden na nang bisitahin niya sina Dra. Belo ay wala pa siyang GMC nun.

Maging ang ama ni Alden na si Mr. Richard Faulkerson ay nag-react din sa isinulat ni Ricky Lo tungkol sa kanyang anak.

Sinabi pa nitong inaalikabok na ang GMC dahil ito nagagamit.

Si Alden ay very much identified ngayon sa phenomenal love team nila ni Maine Mendoza na AlDub.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN