Alden Richards laughs off rumored "mystery" girlfriend

IMAGE Noel Orsal

Alden Richards on report that his luxury car has been spotted in a posh Makati subdivision: "Never pong nakatuntong yung GMC ko sa Makati."


Kaswal na itinanggi ni Alden Richards sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang lumabas na isyu sa isang broadsheet ngayon araw, December 29, na mayroon diumano siyang “mystery” girlfriend.

Sa Funfare column ni sRicky Lo sa The Philippine STAR ay isinulat nito nang patanong kung bakit madalas daw nakikita si Alden sa vicinity ng isang posh subdivision sa Makati.

Isa sa “three guesses” na binanggit ng batikang entertainment editor-columnist ay: “He [Alden] is visiting somebody special who is said to be his ‘mystery’ girlfriend?”

Ayon pa sa kolum ni Ricky, kung totoong may ‘Mystery Girlfriend’ (MG) si Alden, posibleng ito raw ay ang pretty non-showbiz girl na na-meet ng Kapuso actor sa isang event ng Coke, kung saan dating nagwu-work ang nasabing babae.

Dugtong pa ng dating co-host ng now-defunct Kapuso showbiz tak show na Startalk, ayon sa kanyang VDPA (Very Deep Penetrating Agent), ang ‘Mystery Girlfriend’ na ito ay mula sa isang mayamang pamilya sa Pampanga at ngayon ay konektado na sa ibang kompanya.

May sundot pang tanong si Ricky (enclosed in parentheses) na: “Did Alden really spend an early media noche with her family?”

Tanong pa ng veteran showbiz journalist: “Is Alden in the process of courting MG or has she gifted him with a ‘yes’ as a precious Christmas gift?”

Tapos ay may linya pa itong: “If so, it must be why Alden seems to be on Cloud 9 these days.”

Sa bandang huli ay tinapos nito ang nasabing column item with more questions: “Did God give Alden her? Are Alden and MG destined (to borrow a word from Alden’s new soap) for each other? Are they on the road to their shared ‘forever’?”

ALDEN REACTS. Kaninang tanghali ay tinanong ng PEP si Alden tungkol dito, via text message, at mabilis namang sumagot ang Pambansang Bae.

Sa diretsong tanong namin kung totoong mayroon siyang ‘Mystery Girlfriend’ ay tumatawa niya kaming sinagot ng: “Hahahaha! Wa po, tito. Hindi po totoo ‘yon.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Itinanggi rin ng Kapuso heartthrob na madalas siyang may dinadalaw sa isang lugar sa Makati.

“Wala po, tito. Hahaha.”

Tinawanan lang din ni Alden ang tungkol sa “rich girl from Pampanga” na diumano’y naka-early media noche (o noche buena) niya.

Sabi niya, “Hahahaha. Never po akong nag-Manila since December 21.

“Dec. 24 lang po ako lumuwas ng morning para pumuntang Concha’s para i-meet yung nanalo sa Juan for All, tapos umuwi na rin po ako agad nun.”

Ang Concha’s ay ang kabubukas lang na branch ng restaurant na pag-aari ni Alden, na nasa Scout Madrinan, malapit sa Tomas Morato Extension, Quezon City.

Sa follow-up question namin kung mayroon siyang friend na girl na dating nagwu-work for Coke, ang sagot sa amin ni Alden: “Wala rin po.”

Doon naman sa madalas daw nakikita ang sasakyan niyang Savana GMC sa isang posh subdivision sa Makati, ang sagot niya, “Hindi po, tito. Never pong nakatuntong yung GMC ko sa Makati.”

After lunch kanina ay nag-tweet si Alden ng: “Just want to clarify the circulating issue… then again, ‘not true’. Happy New Year, eblibady!!!”

Sa kanyang official Facebook page ay may ipinost din na mensahe ang Pambansang Bae.

“Guten Morgen, guys! I woke up & read an article about me & a ‘mystery’ girl? I just wanna make it clear that I don’t have a mystery girlfriend.

“The only time I went to a posh village in Makati was when I visited Dra. Vicky Belo & Scarlet Snow, with some staff from Artist Center… so dili man po totoo yung balita.

“P.S. When we visited Dra. Belo, wala pa po akong GMC nun.”

Paglilinaw pa ni Alden sa PEP, noong December 17 lang dumating ang kanyang bagong sasakyan na Savana GMC.

At sa pagkakatanda niya ay mga second week of December siya dumalaw sa bahay ni Dra. Belo sa Forbes Park, Makati.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN