Sylvia Sanchez beyond thankful to have daughter Ria Atayde

IMAGE @sylviasanchez_a on Instagram

Sylvia Sanchez to daughter Ria: "Nong pinagkaloob ka sa akin ng DIYOS hindi lang anak ang binigay sa akin kundi tour guide, proxy ko bilang nanay sa mga kapatid mo pagwala ako at tutor ko."


Kulang pa raw ang pasasalamat sa Panginoon ang nararamdaman ng aktres na si Sylvia Sanchez para sa pagkakaroon ng anak na kagaya ni Ria Atayde.

Ani Sylvia, ang babaeng anak ang nagsisilbing "tour guide, proxy ko bilang nanay sa mga kapatid mo pagwala ako at tutor ko."

Si Ria ang pangalawa sa apat na anak ng The Greatest Love star sa asawa nitong businessman na si Arturo Atayde.

Ikinukunsidera ni Sylvia ang kanyang pamilya bilang "My Greatest Loves."

Kasalukuyang nasa ika-apat na araw sa England ang mag-anak para sa kanilang holiday vacation.

Sabi ni Sylvia sa kanyang Instagram post noong Disyembre 28, "Ang sabihin ko ang mga katagang salamat po PANGINOOONG JESUS ay kulang, para sa isang anak na pinagkatiwala NYO po sa akin, na walang ginawa kundi ang mahalin at intindihin ako."

Nangako rin ang beteranang aktres na aalagaan niya ang anak habang siya ay nabubuhay.

"Iingatan, mamahalin at aalagaan ko PANGINOON ang regalong ito [Ria] na pinagkatiwala mo sa akin. Maraming maraming salamat po sa potpot ria ko."

"Potpot Ria" ang term of endearment ng 45-anyos na Kapamilya actress sa kanyang panganay na babaeng anak.

Unang lumabas sa telebisyon si Ria, 24, noong 2015 nang maging bahagi ito sa cast ng Kapamilya serye na Ningning bilang si Teacher Hope Cruz.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN