Jericho Rosales proud daddy and buddy of his teenage son Santino

IMAGE Noel Orsal

Jericho Rosales about his extended family that includes his son in a previous relationship: "We're a normal family, our setup is fine… God is good."


Kamakailan ay nag-post si Jericho Rosales ng larawan sa Instagram kasama ang kanyang anak na si Santino, na binatilyo na ngayon.

“We love Santino,” nakangiting sabi ng aktor patungkol sa anak at sa kanyang misis na si Kim Jones.

Maayos daw ang relasyon nilang mag-asawa at sa ina ng anak niya.

Ayon kay Jericho, “We’re a normal family, our setup is fine.

“Everything is fine, God is good.”

Kuwento pa niya tungkol sa kanila ni Santino, “Barkada, barkada kaming dalawa.

“If he needs quality time, we spend quality time; if he needs to talk, we talk.

“Pero yung treatment namin, barkada kaming dalawa.”

Just hanging with dad. @jerichorosalesofficial #fun #bar #chill #odd #welooklikebros #orayt

A photo posted by Santino Rosales (@santino_rosales) on

Posible kayang sumunod sa yapak niya ang anak at maging artista rin?

Tugon ni Jericho, “No, ayaw niya, dalawang sports ang ginagawa niya, dalawang soccer team.

“Mabait na bata talaga at sobrang focus na bata.”

Nasa soccer team si Santino ng San Agustin at myembro rin siya ng KAYA team, isang elite football club.

Lahad pa ng aktor, “Ang dream ko kasi sa kanya before, maging Olympian.

“Ngayon, very happy na ko na nakapasok siya sa dalawang soccer team.”

THE CHAMPIOOONS! ???????????? #4timedefendingchamps #history #ufl #champions #u17 #unakaya

A photo posted by Santino Rosales (@santino_rosales) on


NOT NOW. Mahigit dalawang taon nang kasal sina Jericho at Kim, pero hindi pa raw nila prayoridad ang magkaroon ng anak.

Wala rin daw silang timetable.

Saad ng aktor, “Hindi pa nga namin alam, pinag-uusapan pa namin.

“We’re just so busy… sa mga bagay-bagay at gusto naming ma-enjoy ang isa’t isa at the moment.

“She supports me sa trabaho ko and I support her sa trabaho niya.

“It’s just about timing, kapag nagawa na namin ang mga mission namin sa buhay.

“Ayaw lang naming tumalikod dun sa purpose na ibinigay sa amin, she’s very passionate.

“She’s building up her career, people are looking up to her.

“Ako naman, this is what I do, I just feel lang na if we stop now, it might be hard for us…

“Perfect timing lang, hindi naman kami nagra-rush.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Natatawa pa niyang dagdag, “May mga dogs din kami!”

Masaya raw iiwan ni Jericho ang taong 2016 at mas masaya niyang sasalubungin ang 2017.

Career-wise, kasalukuyan pa rin siyang napapanood sa primetime series ng ABS-CBN na Magpahanggang Wakas.

Kasama rin siya “as himself” sa Ang Babae Sa Septic Tank 2, na entry sa 2016 Metro Manila Film Festival (MMFF).

Masaya rin daw ang personal life niya at may mga business din siyang nasimulan.

Pahayag ni Jericho, “Medyo busy, sometimes getting sick, but next year will be better.

“I’m hopeful na mas makagawa pa ako ng maraming movies and be involved din sa production.”

CHEERING MMFF. Noong isang taon ay may pelikula si Jericho sa MMFF, ang Walang Forever, kung saan nakasama niya si Jennylyn Mercado.

Tahasang sinabi ng aktor na gusto niya ang naging pagbabago ngayon sa MMFF.

“I love it, I love it! Naiintindihan ko na merong effect ito, but in the long run, magandang effect.

“Ngayon pa lang, maganda na ang nangyayari.”

Paliwanag pa niya, “Itong sa amin, itong Ang Babae Sa Septic Tank… it’s a perfect example of commercial film na pumasok.

“So, hindi totoo na puro indie ang pumasok. It’s a well-crafted comedy na commercial.”

Ang Babae Sa Septic Tank 2 ang unang pagkakataon na nagkasama sa pelikula sina Jericho at Eugene Domingo.

May dalawang kissing scene sila na sa paglalarawan ni Jericho ay “wagas!”

Sabi pa niya, “Yung kind of comedy niya ang gusto ko, although nakaka-appreciate rin ako ng slapstick comedy.

“Pero ito, tamang mix siya ng everything, may pagka-ogag na reaction, merong parang abnormal.

“Pero intellectual na tao, yung witty ang mga salita, yung mga hirit, perfect combination siya.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN