Irma Adlawan wins Best Actress for a role originally intended for Nora Aunor

IMAGE Noel Orsal

Irma Adlawan on winning MMFF 2016 Best Actress for Oro: "Yung award na ganun, na buong pusong ibinibigay sa 'yo, mas may halaga kesa alam mong kasi kaibigan mo, alam mong meron kang ipinapakain, kasi meron kang nilibre o binigyan ng regalo. Alam mong pantay-pantay."


Ipinaliwanag ni Irma Adlawan ang sinabi niya sa kanyang acceptance speech na sino ba naman ang mag-aakalang isang katulad niya ang mananalong Best Actress sa 2016 Metro Manila Film Festival (MMFF).

Nanalo si Irma para sa kanyang pagganap sa pelikulang Oro.

Ilan sa mga tinalo ni Irma bilang Best Actress ay sina Eugene Domingo para sa Ang Babae Sa Septic Tank 2, Rhed Bustamante para sa Seklusyon, Rhian Ramos para sa Saving Sally, Julia Barretto para sa Vince & Kath & James, at ang Superstar na si Nora Aunor para sa Kabisera.

Ginanap ang Gabi ng Parangal ng MMFF 2016 sa KIA Theatre, sa Cubao, Quezon City, nitong Huwebes ng gabi, December 29.

Pahayag ni Irma tungkol sa kanyang acceptance speech, “No, actually, who would have thought na ang simple, mga ganitong artista, walang box-office appeal, walang fans club, walang backing of a big production company would be standing in front of these people, and it’s Metro Manila Film Festival.

“That was a very nice feeling and, I think, that is a good feeling that I can give on who are aspiring to get there, who are aspiring to get this award.

“Who are aspiring that someday, somehow, they will have this.”

Malaking bagay raw kay Irma ang natanggap na parangal.

Saad niya sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Malaki, sabi ko nga, bago magsimula ang awarding, exciting ito because you actually don’t know who’s going to win.

“You actually don’t know kung kanino ibibigay.

“Kasi somehow, alam natin na hindi mababayaran, hindi puwedeng i-under the table.

“So, yung award na ganun, na buong pusong ibinibigay sa ‘yo, mas may halaga kesa alam mong kasi kaibigan mo, alam mong meron kang ipinapakain, kasi meron kang nilibre o binigyan ng regalo.

“Alam mong pantay-pantay.”

IRMA AND NORA. Ang role ni Irma sa Oro ay unang inalok kay Nora Aunor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa katunayan, nakapag-shoot na ang Superstar ng ilang mga eksena, ngunit nagdesisyon ang direktor nitong si Alvin Yapan na palitan ang aktres dahil sa pagkakaiba raw ng vision nila sa pelikula.

Si Irma ang ipinalit kay Nora.

Kagabi ay parehong present sina Irma at Nora sa award night.

Tinanong ng PEP si Irma kung anong pakiramdam na natalo niya ang orihinal na gaganap sana sa karakter niya?

“Oh, my god, it’s an honor!” sambit ni Irma.

“Pero sabi ko nga kanina, when you win an award, hindi naman ibig sabihin na ikaw ang pinakamagaling.

“It’s just that the taste of the judges, ikaw.

“Meaning, hindi ibig sabihin na nanalo ka, ikaw ang pinakamagaling.

“Maaaring ikaw ang pinakamagaling dun sa pitong judges.

“For them, maaaring ikaw ang nagbigay ng ganito.

“Pero hindi mo dapat isipin na hindi ka magaling dahil hindi ka nanalo, dahil, somehow, may ibinigay ka na puso at kaluluwa mo.

“So, hindi nila puwedeng i-measure.”


Stories We Are Tracking

<em>Oro </em>producer, director explain decision to replace Nora
Oro producer, director explain decision to replace Nora
Nora Aunor speaks up about being replaced in <em>Oro</em>
Nora Aunor speaks up about being replaced in Oro
Irma Adlawan speaks up about replacing Nora in Oro
Irma Adlawan speaks up about replacing Nora in Oro
<em>Oro</em> director Alvin Yapan explains why he replaced Nora Aunor
Oro director Alvin Yapan explains why he replaced Nora Aunor

CHANGE HAS COME. Samantala, umaasa si Irma na magtuluy-tuloy na ang nasimulang pagbabago sa MMFF.

Aniya, “Mas maganda kasi ang competition kapag alam mong pinaghihirapan, kesa sa may pera kasi kaya sila napasok.”

Sa huli, iniaalay raw ni Irma ang napanalunang tropeyo sa kanyang pamilya.

“Of course, inaalay ko sa pamilya ko. Sa mga anak ko. Nanay ko, Tatay ko, nakalimutan kong pasalamatan.

“Well, anyway, alam naman nila yun na sila palagi.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN