Phoebe Walker on winning MMFF Best Supporting Actress: "This is my proof that I belong here in this industry."

IMAGE Phoebe Walker Instagram

Phoebe Walker on doing sexy roles: "I'm trying myself to be known as an actress and if this is my way… Kasi, mahirap kapag walang kapit sa showbiz and, ako, aaminin ko na I'm the first sa aming family line na pumasok. So mahirap... nahihirapan ako lalo na kapag may next project na papasok, natatakot ako na parang, 'Naku, what are they gonna make me do now?'"


Malaking sorpresa para kay Phoebe Walker ang Best Supporting Actress award na napanalunan niya sa Gabi ng Parangal ng 42nd Metro Manila Film Festival (MMFF) na ginanap sa KIA Theatre, sa Cubao, Quezon City, nitong Huwebes, December 29.

Nanalo ang baguhang aktres para sa kanyang pagganap para sa pelikulang Seklusyon.

Hindi umasa si Phoebe na magwawagi dahil mahuhusay na aktres ang mga kalaban niya.

Naghahanda siya sa backstage para sa dance production number nang tawagin ang kanyang pangalan bilang Best Supporting Actress winner.

Pahayag ni Phoebe sa kanyang acceptance speech, “Ay naku, oh my God, I was not seriously not expecting this!

“All my co-nominees were amazing, amazing actresses, and I’m so honored to be part of the nominees.

“Of course, salamat kay God, kasi if weren’t for Him, I wouldn’t be here right now onstage.

“Also, kay Direk Erik Matti who helped me from day one, Sir Dondon Monteverde…. thank you so much.”

Dagdag niya, “I’ve been waiting for five years for this sort of recognition and to be able to have an opportunity just like this, and this is my proof that I belong here in this industry.

“To my Viva family, Boss Vic, Boss Vincent, Ma’am Veronique, maraming salamat.

“To Ate May, Wil, thank you. This is for all of us…”

SEXY ROLES. Graduate si Phoebe ng European Studies sa Ateneo de Manila University.

Labag sa kalooban ng kanyang mga magulang ang paghuhubad niya sa silver screen, una sa indie movie na Gayuma at pangalawa sa Seklusyon.

“My parents were, like, nung start na tumanggap ako ng sexy role, sabi nila, ‘Anak, ano ba ‘yan, nag-Ateneo ka pa tapos maghuhubad ka din lang sa screen?’

“Pero sa sarili ko kasi, I’m trying myself to be known as an actress and if this is my way…

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi, mahirap kapag walang kapit sa showbiz and, ako, aaminin ko na I’m the first sa aming family line na pumasok.

“So mahirap... nahihirapan ako lalo na kapag may next project na papasok, natatakot ako na parang, ‘Naku, what are they gonna make me do now?’”

Kuwento pa ni Phoebe, “Actually, nag-try ako ng office job for a year after graduation, pero hindi ko gusto.

“I had to admit na acting is what I wanna do.

“Nagko-commercial ako since 15 years old ako.

“When I was in college, may nag-offer sa akin, ang Star Magic, to do a show.

“Before, they have a show every Sunday for Star Magic artists lang, but then, sabi ng mommy ko, ‘Huwag… mag-aral ka muna.’

“Pinagbigyan ko ang mommy ko and now, I wanna do what I wanna do.

“Supportive naman sila all the way, huwag lang yung masyadong hubaran.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN