Bela Padilla calls out daily for 'malicious' use of old photo with Alden Richards

IMAGE Twitter photo of Bela Padilla

Bela Padilla reacts to misuse of her old photo with Alden Richards for a column in a daily broadsheet about the actor's alleged "mystery girl."


Pinuna ni Bela Padilla ang maling paggamit ng isang daily broadsheet ng kanyang lumang litrato kasama si Alden Richards.

Ang nasabing larawan ay ginamit ng The Philippine STAR para sa “Funfare” column ni Ricky Lo na lumabas noong December 29.

Sa larawang nai-publish, makikita si Alden, na nakasuot ng pulang T-shirt, katabi ang isang babae ngunit tinakpan ng kulay itim ang hulma nito.

Ang column ay tungkol sa diumano'y “mystery girl” ni Alden, na madalas niya diumanong binibisita sa isang posh village sa Makati City.


Stories We Are Tracking

Alden Richards denies having a
Alden Richards denies having a "mystery girlfriend"
Alden Richards laughs off rumored
Alden Richards laughs off rumored "mystery" girlfriend

Sa pamamagitan ng kanyang Twitter account, tinawag ni Bela ang pansin ng The Philippine STAR sa paggamit ng kanyang larawan.

Sabi niya, “@PhilstarNews please be responsible in checking your articles before you publish them.”

“How does one take another person's photo without permission, and take time to edit that person out of their own photo to create malice?”

Agad naman itong sinagot ng Philstar: “@padillabela We are relaying this feedback on the questioned article. Thank you.”

Ang babaeng tinakpan sa larawang gamit ng pahayagan ay si Bela.

Ito ay nai-post sa kanyang Twitter account noong mag-guest siya sa Eat Bulaga!, kung saan isa sa mga host si Alden, noong March 2015.

Isang netizen ang sumang-ayon sa pagpuna ni Bela. Ngunit pinaalalahanan naman siya ng aktres na huwag nang palakihin ang isyu.

Ayon sa Camp Sawi actress, “Im bothered that it was done but nothing is at stake because nothing actually happened. No need to aggravate things.”

Tila imposible rin na si Bela ang “mystery girl” ni Alden dahil matagal na ang relasyon nila ng businessman na si Neil Arce.

Mariin ding pinabulaanan ni Alden na mayroon siyang "mystery girl."

Ang larawang ginamit sa “Funfare” column ay hindi na ngayon makikita sa website ng The Philippine STAR.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN