Christian Bables on MMFF trophy design: "It's a masterpiece, kasi produkto po yun ng paghihirap."

IMAGE Facebook / Noel Orsal

Christian Bables recounts how he felt during his winning moment as Best Supporting Actor during the recent MMFF 2016 awards night: "Nakapikit lang po ako nun, nakapikit lang ako, ready na ako para sa kahit na ano. And then, nung tinawag po yung pangalan ko, grabe, para akong lumulutang!"


Tulad ng inaasahan ng marami, si Christian Bables ang itinanghal na Best Supporting Actor sa Gabi ng Parangal ng 2016 Metro Manila Film Festival (MMFF).

Ito ay dahil sa mahusay na pagganap niya bilang Barbs, best friend ni Trisha (played by Paolo Ballesteros, na nagwagi naman bilang Best Actor), sa pelikulang Die Beautiful.

Noong papunta pa lamang si Christian sa KIA Theatre, kung saan ginanap ang awards night noong December 29, inaasahan na ba niyang siya ang mananalong Best Supporting Actor?

Lalo pa nga't base sa reviews at comments ng mga nakapanood ng Die Beautiful ay napakahusay ng kanyang pagganap.

“Hindi po. Kasi hindi ko nga po alam kung nominated ako!” natatawang sagot ni Christian sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

“Hindi na rin po ako nag-expect, kasi alam ko pong sobrang gagaling din, sobrang huhusay din po ng mga nakalaban ko or yung mga iba pang nominated for Best Supporting Actor.

“So, ako po ay baguhan lang naman, so hindi ko po siya in-expect.”

PRE-AWARD JITTERS. Ilang minuto o segundo bago i-announce ang pangalan ng winner, ano ang nasa isip at naramadaman ni Christian.

Tugon niya, “Nung bago po i-announce yung winner, actually, medyo kinakabahan na ako.

“Lalo na po nung tinawag na yung mga nominees. Ayun nga po, na kasali ako sa mga nominees.

“Una po kasing tinawag ang pangalan ko, e.

“Tapos, sumunod si Tito Joel Torre tsaka si Tito Lou Veloso.

“So, nung tinawag po yung mga pangalan nila, ni-lift ko na po agad, sabi ko, ‘A, okay, ili-lift up ko na ito kay God.’

“Sobrang lalakas ng mga nominated din and, ayun, feeling ko sila yung mananalo.

"So, hindi na po talaga… parang yung hopes ko, all ng hopes ko ay inalis ko na.”

WINNING MOMENT. At nang sa wakas ay tinawag na ang pangalan niya bilang Best Supporting Actor, ano ang unang pumasok sa isip niya noong mga sandaling iyon?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pagbabalik-tanaw ni Christian, “Nakapikit lang po ako nun, nakapikit lang ako, ready na ako para sa kahit na ano.

“And then, nung tinawag po yung pangalan ko, grabe, para akong lumulutang!

“Hindi ko na alam, hindi ko na alam. Parang… grabe!

"Ganun pala yung feeling kapag ikaw yung nandoon. Hindi mo na alam yung nangyayari sa ‘yo.

“Pero nag-pray agad ako. Nag-pray agad ako.

"And then, the moment I prayed, ang first na pumasok sa isip ko, nag-flashback po lahat mula noong… lahat ng struggles, lahat ng pain, lahat ng napagdaanan ko, mula simula hanggang ngayon.

“Sobrang overwhelming, sobrang nakakatuwa.”

Sino ang itinuring niyang mahigpit na kalaban bilang Best Supporting Actor?

“Actually, dalawa po. Si Tito Joel Torre and Tito Lou Veloso.

“Simply because sobrang gagaling po nila and they deserve an award as well dahil sa performance nila.

“Sobrang husay po nilang dalawa at tinitingala ko po 'yang mga aktor na 'yan.

“Bilang isang baguhan, wala na akong masabi kundi grabe, salamat ng madami at napansin po yung kaya kong gawin as an actor,” saad niya.

Sina Joel at Lou ay co-stars nina Christian at Paolo sa Die Beautiful.

HOTTEST NEWCOMER. Dahil sa pagwawagi niya at dahil nga pinag-uusapan ang husay ni Christian sa Die Beautiful, marami ang nagsasabing siya ang "hottest newcomer" ngayon.

“Grabe naman po sa hottest newcomer!” natatawang reaksiyon niya.

“Parang hindi ko pa po ma-absorb.

“Actually, hanggang ngayon, hindi pa rin po nagsi-sink in sa akin yung mga nangyari.

“Yung trophy, actually, pag tinitingnan ko siya, parang hindi pa rin nagsi-sink in sa akin.

“Parang, ‘Totoo ba 'to? Or baka joke lang 'to?’ Ganun po.

“Pero I’m thankful, I’m so thankful.

“Kasi nabigyan po ako ng chance na maipakita po yung kakayahan ko as an actor.

“Nabigyan po ako ng chance na magawa kung ano yung gusto ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, I’m really thankful po dun sa mga tao na talaga pong sumuporta at nagtiwala sa akin, sa kaya kong gawin.

“Maraming-maraming salamat po sa inyong lahat!”

TROPHY DESIGN. Marami ang hindi nagustuhan ang hitsura ng tropeyo ng MMFF.

May ibang nagsasabing mukha itong higanteng yema, may ibang nagsasabing mukha itong payong.

Ano ang pakiramdam ni Christian tungkol dito?

Saad niya, “Ang alam ko po, may mga nakakarating po sa akin na parang temporary lang po yun.

“For now, iyon lang daw po muna, and then parang isosoli daw po para maibigay yung totoong trophy.

“May nakakarating po sa aking ganun.

"Pero yung trophy po na nasa akin ngayon, ang thought ko po doon, for me, actually, it’s a masterpiece, kasi produkto po yun ng paghihirap.

“Yung paggawa po nun, kung makikita niyo po, medyo intricate po yung mga lines niya and all, pinaghirapan po talaga.

“And for me, that’s enough. Kapag produkto ng paghihirap, for me, that’s enough.”

CONVINCING GAY PORTRAYAL. Sa sobrang husay ni Christian bilang si Barbs sa Die Beautiful, may mga nag-iiisip na gay nga siya sa tunay na buhay.

Ano ang mensahe niya sa mga nagdududa sa pagkalalaki niya?

Aniya, “Thankful ako, yehey!

“Kasi, ibig sabihin, naging maayos yung pagganap ko bilang Barbs.

“Actually, si Barbs po, hindi po siya gay.

"She is considered as a woman because she is a transwoman.

“So, ayun, sobrang nagpapasalamat ako sa kanila.

“Kasi ibig sabihin po nun na-appreciate nila yung nagawa ko at wala ng mas sasarap pa sa pakiramdam na yun.

“So, maraming-maraming salamat!”

Tataas na ba ang talent fee niya ngayong may acting award na siya?

Tumawa muna si Christian bago nagsalita.

“Paano ko po ba sasagutin 'yan?

“Ano po, presyong kaibigan. Ganun!”

Seryoso niyang pahabol, “Hindi. Ano po, affordable, affordable pa rin po ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"As per my manager, opo."

SEQUEL? May mga nagnanais at nagre-request na gawin ang sequel ng Die Beautiful na si Christian (bilang si Barbs) ang bida.

Reaksiyon niya rito, “Wow, sobrang nakakataba po ng puso!

“Sobra, sobra-sobra. Kung alam nyo lang po ang nararamdaman ko ngayon.

“Sobrang nakakataba po ng puso. Maraming salamat.

“Anong reaksiyon ko? Masaya siguro, pero as of now, wala pa pong nakakarating sa akin na magkakaroon ng sequel ang Die Beautiful.

“If ever man po na magkaroon at ako yung magiging lead, gagawin ko po ang best ko.

“Mag-aaral pa po akong maigi para magawa ko yung best ko as an actor.

“So, dun po sa mga nagre-request, maraming-maraming salamat po sa lahat ng tiwala, sa lahat ng paniniwala.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN