Oro director Alvin Yap justifies scene where a dog was slaughtered

IMAGE YouTube / Noel Orsal

"Hindi totoo na inutusan ko ang isang aktor para lang pumatay ng aso. Diyan ako pinakanagalit. Hindi ako tanga," director Alvin Yapan said about alleged killing of dog in the MMFF movie Oro.


“Hindi po totoo na pumatay kami ng aso para lang sa pelikula.”

Ito ang panimula ng direktor ng Oro na si Alvin Yapan sa kanyang pahayag tungkol sa kontrobersiyal na eksena sa pelikula.

Kaugnay ito ng reklamo ng Philippine Animal Welfare Society (PAWS) na diumano'y pagkatay sa isang aso sa isang eksena sa pelikulang kalahok sa isinasagawang 42nd Metro Manila Film Festival (MMFF).

Itinakda ang pagpupulong sa pagitan ng mga gumawa ng Oro at executive committee ng MMFF nitong Lunes, January 2.

Napagdesisyunan na tanggalin na lamang ang naturang eksena sa ipalalabas na kopya ng pelikula sa mga susunod na araw.

Ngayong araw, January 3, ang katapusan ng MMFF.

Tinatalakay ng Oro ang nangyaring pagpatay noong 2014 sa apat na residente ng Barangay Gata, isang mining community sa Caramoan, Camarines Sur.

Tinawag ang malagim na insidente bilang “Gata 4 Massacre.”

DIREK ALVIN’S STATEMENT. Sa pamamagitan ng Facebook page ng Oro, naglahad ng saloobin si Direk Alvin tungkol sa isyu.

Una, sinabi niyang base mismo sa salaysay ng isang testigo ng Gata 4 Massacre ang ipinuprotestang eksena.

Aniya, “Hindi ko inimbento ang metapora ng aso dito para lang pumatay ng aso sa loob ng isang pelikula para lang pag-usapan.

“Nasa tunay talagang pagsasalaysay ng testigo sa Gata 4 Massacre na bumalik siya para singilin ang Patrol Kalikasan para sa kinatay nilang aso.

“Dahil nga kumakain ng aso ang patrol kalikasan, kasi nga tradisyon ang pagpulutan ng aso sa inuman sa ilang probinsiya sa bansa.”

Ikalawa, paglilinaw ni Direk Alvin, “Hindi totoo na inutusan ko ang isang aktor para lang pumatay ng aso.

“Diyan ako pinakanagalit. Hindi ako tanga.

“At kahit sinumang aktor siguro hindi papayag diyan.

“O hindi ko ilalagay ang sinumang aktor sa ganyang posisyon.

“Sa probinsiya po may mga nakatalaga talagang tagapatay ng aso, baboy, baka, etc.”

Sa huling bahagi ng kanyang pahayag, idinipensa ni Direk Alvin ang sarili sa mga kumuwestiyon kung bakit hinayaan lamang niya ang nasabing pagpatay sa hayop.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Katuwiran ng direktor, “Bakit hindi ko sila tinuruan na mali ang pagkatay ng aso? Bakit hindi ko sila tinuruan ng animal welfare?

“Sino ako para gawin iyon sa kanila? Ni wala akong nagawa para sa pakikipaglaban sa karapatan ng kanilang mga mahal sa buhay, tapos lelecturan ko sila sa karapatan ng asong kinakain nila?”

DISAPPOINTED. Kaugnay nito, tila dismayado naman ang PAWS executive director na si Anna Cabrera sa naging desisyon ng MMFF Execom na ipatanggal ang eksena kung saan pinatay ang isang aso.

Hindi raw ito sapat na kaparusahan sa ginawang pagsisinungaling ng mga nasa likod ng Oro tungkol sa pagpatay sa aso.

Pahayag ni Abrera sa kanyang Facebook, “Editing out that portion where the dog was killed does NOT change the fact that a dog was killed for this movie.

“A crime has been committed. The film makers lied to the MMFF ExCom by initially saying that 'no animal was killed.'

“And get this—the only thing that MMFF EXCOM has agreed to do is to show the film with the 'disturbing portion' edited out.”

Sa kasunod niyang post, sinabi ni Abrera na may ilang makapagpapatunay na kasama sa script ng pelikula ang pagpatay ng aso.

“2. We have reliable sources that the criminal act was in the script and it was all part of the plan to shoot the scene of the actual killing of the dog.
and

“3. Several members of the film's crew have already come out with Tweets condemning the dog slaughter but had to erase these posts because they are afraid to lose their jobs.”

Sa comment section, isang netizen aang nagbahagi ng larawan ng script kung saan nakasaad ang gagawin para sa kinukuwestiyong eksena.


Bilang mensahe sa MMFF execom, sinabi rin ni Abrera sa kanyang pahayag, “If you cannot pull out the showing of a film whose production hides behind the technicality of having no DIRECT HAND in the animal cruelty, some degree of ethics must dictate deep within that you have to at least let them know that their complicity in the matter—filming a crime and using it for their entry—is unacceptable.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

SENATOR POE WANTS INVESTIGATION. Samantala, hinikayat ni Senator Grace Poe-Llamanzares ang pamunuan ng MMFF na imbestigahan ang isyu tungkol sa pelikulang Oro.

Ginawaran ng MMFF ang Oro ng Fernando Poe Jr. Memorial Award sa ginanap na Gabi ng Parangal noong December 29.

Sa isang statement na inilabas kahapon, January 2, sinabi ni Sen. Grace na maaaring bawiin ang nasabing award kung mapatunayang lumabag sa batas tungkol sa animal welfare ang Oro.

Pahayag niya, “I call on the MMFF organizers to look into the matter of whether a dog was actually butchered as part of the filming of the movie Oro in violation of the existing law on animal welfare.

“If in fact that were the case, I condemn such act and would move for the invalidation of the FPJ award given to the film.”

Dagdag pa niya, “The MMFF and the producers of Oro should fully cooperate with the concerned government agency for the immediate investigation on this matter. Artistic license does not justify the violation of our laws.

“Aside from the possible criminal liability, if indeed proved, the MMFF should also consider applicable administrative sanctions against the producers and/or film makers for any misrepresentation before the MMFF selection committee on this matter which in itself may already justify the movie being stripped of any and all awards it received among other sanctions.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN