Alden Richards admits occasional misunderstandings with Maine Mendoza

IMAGE Instagram (@aldenrichards02)

Alden Richards admits that he and Maine Mendoza have misunderstandings sometimes, but he is nevertheless thankful to Maine for coming into his life. 


Nais ni Alden Richards na patatagin at palakasin ang relasyon nila ni Maine Mendoza ngayong 2017.

Ito ang mensahe ni Alden sa kanyang loveteam partner sa birthday celebration ng actor-TV host sa Eat Bulaga! nitong Lunes, January 2, 2017.

Ipinagdiwang ng Pambansang Bae ang kanyang 25th birthday kahapon.

ALDEN’S MESSAGE FOR MAINE. Naging makahulugan ang mensahe ni Alden kay Maine, matapos magbigay ng birthday wish ang dalaga sa kanya.

Sa kabuuan, sinabi ni Alden na sana ay lumalim pa ang kanilang relasyon ngayong 2017.

Inamin din niyang minsan ay nagkakaroon sila ng samaan ng loob ni Maine, pero thankful siya sa pagpasok ng dalaga sa kanyang buhay.

Pahayag ni Alden, “Alam mo naman ang mga nangyari sa atin before.

“2016: good, bad; happy, sad; ups and downs... andami.

“Pero sana ma-realize mo na kahit di tayo madalas nagkikita, pero nagkikita tayo minsan sa Barangay, pero yung pag-aalaga ko sa ‘yo, yung care ko sa 'yo, Maine, di nagbabago yun.

“From afar lang ako. Aalagaan pa rin kita the most I can.

“So, kung anuman meron tayo ngayon, sana this 2017, pataasin natin.”

Dagdag pa niya, “Sana, kung ano yung relationship natin ngayon, palakasin natin yun, patatagin natin yun, kasi andaming mangyayari ngayong 2017.

“And I’m thankful for you being there for me, kahit na minsan nagkakasamaan tayo ng loob.

“So, thank you, Maine.”

MAINE’S ADVICE TO ALDEN. Para sa kanyang mensahe, binanggit ni Maine kay Alden na huwag nitong kalimutang mag-enjoy sa buhay.

“Ako naman, ang wish ko lang talaga sa 'yo, kung anuman yung mga kahilingan mo sa Diyos, kung ano ang mga aspirations mo, sana matupad.

“And sana lagi kang masaya.

“And alam mo naman ang mga sinasabi ko sa ‘yo na mga bagay, sana huwag mong kakalimutan yun.

“Nage-gets ko naman na ‘yan, trabaho-trabaho.

“Huwag mo pa rin kalimutan na magpahinga minsan, take a break and enjoy mo yung life.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi bata pa tayo, e. Huwag ka masyadong kakayod.

“Sana lagi kang masaya and I’m always here for you.”

TWITTER MESSAGES. Makahulugan naman ang Twitter messages nina Alden at Maine para sa isa't isa.

Consistent si Maine sa message at tweet niya kay Alden, na sana huwag kalimutan ng binata na mag-enjoy sa buhay.

Sumagot si Alden ng "never forget" subalit hindi nagdetalye kung ano ang ibig niyang sabihin dito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN