Comedian-TV host IC Mendoza falls victim to Internet death hoax

IMAGE Noel Orsal

Ikinainis ni IC Mendoza ang 'pagpatay' sa kanya ng isang troll sa Facebook ngayong araw, January 3, 2017. Binalaan ni IC ang naturang troll na ipapahanap niya ito sa mga awtoridad.


Ikinagulat ng actor at TV host na si IC Mendoza ang kumalat na balita ngayong araw, January 3, 2017, na namatay na raw siya dahil sa comatose.

Nangyari raw ito noong December 31, 2016, bisperas ng Bagong Taon.

Ayon pa sa mga nakatanggap ng mensahe, inakala raw nilang si IC mismo ang nag-add sa kanila sa Facebook kaya in-accept nila ang friend request nito.

Matapos nito, pinadalhan na raw sila ng mensahe tungkol sa diumano'y pagpanaw ng Die Beautiful actor.


May kalakip pa itong larawan ng isang patay na kahawig ni IC, ngunit pinili ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na huwag itong ilathala para na rin sa kapakanan ng namatay at ng mga kamag-anak nito.

Ilang oras matapos kumalat sa social media ang balitang namatay na diumano siya, pinabulaanan ito mismo ni IC.

Pinagbantaan din niya ang nagpakalat nito na kahit nag-delete na ng account ay ipapahanap pa rin daw niya ito sa kinauukulan.

Narito ang buong mensahe ni IC sa kanyang Facebook:

“A few friends told me they were being messaged by a bogus account using my name, claiming that i died. this is my only account guys! pero gandang promo bilang showing parin ang #diebeautiful

"To my friends: thanks for the heads up! lets continue to make social media fun and productive.

"To the troll: ang dami mong time. and kahit nag delete ka ng account dont worry, papahanap kita. excited to meet you soon.”

Noong 2016, ilan sa mga artistang nabalita sa social media na diumano'y namatay na ay sina Jiro Manio, Ryan Cayabyab, at Bong Revilla.


Stories We Are Tracking

Bong Revilla latest victim of celebrity death hoax
Bong Revilla latest victim of celebrity death hoax
<strong>PEP YEARENDER 2016:</strong> Numbers that matter in 2016
PEP YEARENDER 2016: Numbers that matter in 2016
<strong>PEP YEARENDER 2016:</strong> Stars we lost in 2016
PEP YEARENDER 2016: Stars we lost in 2016


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN