MMFF withdraws FPJ Excellence Award given to Oro over dog-slaughter controversy

IMAGE Courtesy of Feliz Film Productions

MMFF Execom on withdrawing the FPJ Memorial Award for Excellence from Oro: "Without making any judgment on the artistic merit of the film or cinematic depiction, the MMFF finds the present controversy on the alleged killing of a dog in the course of the filming of the movie effectively casts a doubt on the movie's ability to exemplify the human and cultural values espoused by the late Fernando Poe, Jr."


Ang bawiin sa Oro ang Fernando Poe Jr. Memorial Award for Excellence ang desisyon ng Metro Manila Film Festival (MMFF) Executive Committee pagkatapos ng kontrobersiya tungkol sa aktuwal na pagpatay sa aso sa isang eksena sa pelikula.

Ito ay dahil sa paglabag ng mga taong nasa likod ng MMFF official entry sa Republic Act No.8485 o Animal Welfare Act of 1998.

Iginawad ang Fernando Poe Jr. Memorial Award for Excellence sa Oro sa Gabi ng Parangal ng 42nd Metro Manila Film Festival, sa Kia Theatre, noong December 29, 2016.

Ngunit sa inilabas na official statement ng MMFF Execom ngayong hapon, January 3, binabawi na raw nila ang karangalang iginawad sa naturang pelikula dahil salungat daw ito sa "human and cultural values" na sinisimbulo ng yumaong King of Philippine Movies na si Fernando Poe Jr.

Narito ang kabuuang statement ng MMFF Execom:

“Upon prior consultation with the family of the late Fernando Poe, Jr, the Metro Manila Film Festival (MMFF) Executive Committee announces its decision to withdraw the Fernando Poe Jr. Memorial Award recently granted to the film ‘Oro.’

“Without making any judgment on the artistic merit of the film or cinematic depiction, the MMFF finds the present controversy on the alleged killing of a dog in the course of the filming of the movie effectively casts a doubt on the movie's ability to exemplify the human and cultural values espoused by the late Fernando Poe, Jr.”

ORO DIRECTOR. Bago ang desisyong ito ng MMFF Execom ay ipinaliwanag ng direktor ng Oro na si Alvin Yapan kung bakit isinama sa pelikula ang eksena ng aktuwal na pagkatay ng aso.

Pahayag niya, “Hindi ko inimbento ang metapora ng aso dito para lang pumatay ng aso sa loob ng isang pelikula para lang pag-usapan.

“Nasa tunay talagang pagsasalaysay ng testigo sa Gata 4 Massacre na bumalik siya para singilin ang Patrol Kalikasan para sa kinatay nilang aso.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Dahil nga kumakain ng aso ang patrol kalikasan, kasi nga tradisyon ang pagpulutan ng aso sa inuman sa ilang probinsiya sa bansa.”

Ang "Gata 4 Massacre" ay tumutukoy sa pagpatay sa apat na residente ng Barangay Gata, isang mining community sa Caramoan, Camarines Sur, noong 2014.


Stories We Are Tracking

<em>Oro </em>filmmakers under fire for
Oro filmmakers under fire for "killing a dog" in the movie
<em>Oro</em> director justifies scene where a dog was slaughtered
Oro director justifies scene where a dog was slaughtered


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN