Who is Ahron Villena's hunky travel companion?

IMAGE Instagram photos of Ahron Villena (main), @krisbst08 (inset

Actor Ahron Villena's recent travel photos are now making rounds on the Internet because of it's similarity with the travel photos of a hunky non-showbiz guy (inset). In a comment, Ahron clarifies that he and the non-showbiz guy are "really, really good friends."


Nilinaw ni Ahron Villena na “really, really good friends” sila ng isang lalaking madalas niyang kasama sa bakasyon kamakailan.

Kumakalat kasi ngayon sa social media ang ilang Instagram travel photos ni Ahron at ng isang non-showbiz guy na may username na @krisbst08.

Dahil sa halos pagkakapareho ng background ng kani-kanilang posts, ilang netizens ang agad na nagbigay ng espekulasyon tungkol sa dalawa.

May ilan pa ngang netizens ang nag-post at pinagtabi ang mga magkakaparehong larawan nina Ahron at @krisbst08 upang gawan ng intriga.

Samantala, nag-comment ang ABS-CBN director na si Erick Salud sa Instagram post ni Ahron na astang umiinom ng kape sa Hotel Villa Honegg sa Switzerland at may caption na: “Foggy Thursday morning everyone. Having a shot of coffee to keep me warm.”

Sabi ni Direk Erick kay Ahron: “Eh di payakap ka sa kasama mo jan na kumukuha ng pics mo.”

Sagot naman ng aktor: “Cge direk wait lng. Happy holidays direk :)”



Isang netizen naman ang sumabat sa usapan nina Direk Erick at Ahron upang sabihin kung sino ang kasama ng aktor sa Switzerland.

Sabi ni emman0820, “@krisbst08 po ang kasama nya dyan @ericksalud. nice kind of friendship, they both love to travel. :-)”


Sinundan naman ito ng Ahron ng isa pang tila paliwanag kung ano ang ugnayan nila ni @krisbst08.

Aniya, “Yup we are really really good friends and we both like to travel. And kung hindi po ako magpost sa ig ko its my choice po and it's ig. Thank you. Happy holidays! :)”


Sa isa pang Instagram post, tila patama naman sa mga nang-iintriga ang caption na ginamit ni Ahron: “Don't worry about them, Let them go.”

Bukod sa Switzerland, may halos parehong travel photos din sina Ahron at @krisbst08 mula sa Bataan, Boracay, Davao, Paris, at Vietnam.

Isa sa mga kuhang ito ay makikitang tatlong pares silang magkakasama; tatlong lalaki at tatlong babae.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tag's crew goes to bataan.???? #weekendgetaway #brisamarina #morong #bataan

A photo posted by Roche Ahron Villena (@ahronvillena) on


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN