Ahron Villena slams malicious speculations linking him to male friend

IMAGE Ahron Villena Instagram

Ahron Villena to netizens linking him to his male friend: "Ibang klase kayo!! Masyadong madumi utak nyo! Masyado nyo ako pnapasikat"


Kinondena ni Ahron Villena ang espekulasyong nag-uugnay sa kanya at sa isang non-showbiz guy na nakasama niyang magbakasyon sa Hotel Villa Honegg sa Switzerland.

Ito ay matapos bigyang-kulay ng ilang netizens ang pagkakahawig ng background ng Instagram photos ng dalawa.

May ilan ding kumuwestiyon kung bakit tila iniwasan ni Ahron at ng kanyang travel companion, na may Instagram username na @krisbst08, na magbahagi ng litratong magkasama sila.

Sa kanyang Facebook post ngayong Martes, January 3, buwelta ni Ahron:

"Ibang klase kayo!! Masyadong madumi utak nyo! Masyado nyo ako pnapasikat."

Dagdag ng 29-year-old actor tungkol sa kanyang detractors, "Oo nga dami naiingit. Marami pa nman kasunod lol."


Sa kasalukuyan ay burado na ang Facebook post na ito ni Ahron.

Sa halip ay isang makahulugang mensahe ang ipinost niya:

Nauna nang naiulat ang tungkol sa pag-amin ni Ahron na matalik niyang kaibigan ang lalaking nagngangalang Kris na kasama niyang nagbakasyon sa Switzerland.

Iginiit din ni Ahron na karapatan niyang mamili kung anumang litrato ang nais niyang ibahagi sa kanyang personal social media accounts.

Makikita rin sa ilang Instagram posts ng aktor ang ilang larawan kung saan magkasama sila ng naturang non-showbiz guy, kasama ang iba pa nilang mga kaibigan.

READ: Who is Ahron Villena's hunky travel companion?


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN