Did Sef Cadayona confirm split with Andrea Torres?

IMAGE Noel Orsal

Although they never admitted their relationship, Kapuso stars Andrea Torres and Sef Cadayona have reportedly broken up. Sef said in a presscon that he and Andrea have not spoken to each other since September 2016. But a Facebook photo shows that they were together on New Year.


December 2016, lumutang ang balitang hiwalay na diumano ang Kapuso stars na sina Sef Cadayona at Andrea Torres.

Hindi man sila tuwirang umamin tungkol sa kanilang relasyon, may mga naisulat na nagsasabing halos tatlong taon tumagal ang relasyon nina Sef at Andrea.

Sa kolum ni PEP contributor Jojo Gabinete sa Abante noong December 16, may source daw siyang nagsabing si Andrea ang nagdesisyong tapusin na ang relasyon nila ni Sef.

Sa presscon ng newest primetime series ng GMA Network, ang Meant To Be, nitong Martes, January 3, inusisa ng media si Sef tungkol dito.

Pag-amin ni Sef: "September, hindi na kami nag-uusap. Hindi na kami nakakapag-usap..."

Hindi na nadagdagan pa ng detalye ang tungkol dito dahil hinarang na ng mga taga-produksiyon ang follow-up questions tungkol sa kanila ni Andrea.

Hindi na rin nagpaunlak ng interview si Sef matapos ng presscon at umalis ito kaagad.

Pero sa kabila ng pahayag ni Sef na hindi na sila nag-uusap ni Andrea mula noong September, kapansin-pansin na nito lamang January 2, 2017 ay nag-post ng larawan sa Facebook ang comedian kung saan magkasama sila ng aktres, kasama ang iba pang mga kaibigan.

Caption niya dito: "Happy New Year!"

Naka-tag din dito si Andrea.

Inuugnay naman ngayon ang pangalan ni Sef kay Maine Mendoza, ngunit wala pang opisyal na pahayag ang magkabilang kampo tungkol dito.


Stories We Are Tracking

Andrea Torres still mum about rumored BF Sef Cadayona
Andrea Torres still mum about rumored BF Sef Cadayona
Sef Cadayona still mum about real score with Andrea Torres
Sef Cadayona still mum about real score with Andrea Torres
Andrea Torres says Sef Cadayona is just a 'close friend'
Andrea Torres says Sef Cadayona is just a 'close friend'
Sef Cadayona clarifies issues with Andrea and Yassi
Sef Cadayona clarifies issues with Andrea and Yassi


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN