Maine Mendoza posts cryptic tweet amid rumors linking her to Vico Sotto, Sef Cadayona

IMAGE @vicosotto / @mainedcm / @sefcadayona Instagram

Maine Mendoza has a strong message to her detractors: "Get your facts straight, always."


Inalmahan ni Maine Mendoza ang patuloy na pang-iintriga sa kanya sa pamamagitan ng isang makahulugang Twitter post nitong Miyerkules, Enero 4.

Buwelta ni Maine: “Get your facts straight, always.”

Hindi tinukoy ni Maine kung para kanino ang kanyang mensahe.

Ngunit tila may kinalaman ito sa bali-balitang nag-uugnay sa dalaga at diumano’y mga masugid niyang manliligaw na sina Pasig City District 1 Councilor Vico Sotto at Kapuso comedian Sef Cadayona.


VICO SOTTO. Inalmahan kasi ng avid fans nina Maine at Alden Richards ang balitang isinulat ng kolumnistang si Salve de Asis ng Pilipino Star Ngayon, noong December 31, 2016.

Dito ay nakasaad na “seryoso” umano si Vico sa panunuyo nito kay Maine.

Kahapon, January 4, kapansin-pansing nagbahagi si Vico sa kanyang Twitter account ng isang quote na nagsasabing huwag basta-basta maniwala sa tsismis.

Wala ring direktang binanggit ang konsehal kung para kanino ang kanyang tweets.

Ngunit narito ang ilang comments ng netizens hinggil sa isyu:


PAULEEN DEFENDS MAINE, VICO. Si Vico ay anak ni Vic Sotto kay Coney Reyes.

Kaugnay nito, maging ang misis ni Vic na si Pauleen Luna ay nakatatanggap sa Instagram ng mga mensaheng nag-uugnay kina Vico at Maine.

Agad namang kinondena ni Pauleen ang paninira laban sa Dubsmash Queen.

Buwelta ni Pauleen: “EXCUSE ME, get out of here.

“Unang una, puro kasinungalingan yang sinasabi mo.

“Pangalawa, wala ka bang magawa sa buhay at papapalit palit ka pa ng account?

“Pangatlo, hindi mo kami lahat kilala kaya wala kang karapatan to talk to us this way or to even speak for us!

“And oo, tama, kunwari ka pa pero ikaw talaga ang naninira kay Maine! Get out of here. Nanahimik kami, get a life!


At press time, burado na ang comments ng basher na gumamit ng iba’t ibang handle names sa comments thread sa Instagram ni Pauleen kahapon, January 4.

SEF CADAYONA. Sa kabilang banda, usap-usapan din sa social media ang pilit na pag-uugnay kay Maine sa Bubble Gang star na si Sef Cadayona.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Binigyang-kulay umano ang pag-like ni Maine sa Instagram post ni Sef, at pag-follow kay Sef ng kapatid ni Maine na si Coleen Mendoza.

Narito ang ilang comments ng netizens hinggil sa pag-uugnay kina Maine at Sef:




WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN