Jhong Hilario praised by netizens for helping accident victim

IMAGE @jhonghilario on Instagram

Pinapurihan ng netizens ang pagtulong ng It's Showtime host at Makati City councilor na si Jhong Hilario sa isang matandang nabundol ng isang motorsiklo sa Makati nitong nakaraang Martes.


Viral ngayon sa Facebook ang dalawang videos ng isang matanda na nabundol sa Makati City.

Nai-upload ang video noong Martes, January 3.

Makikita sa video ang isang matandang lalaki na nakahiga sa kalye na diumano’y nabundol ng isang rumaragasang motorsiklo.

Ayon sa nag-uplaod na si Richard Brocoy Gapasin, huminto ang isang sasakyang malapit sa biktima at lumabas mula rito ang It’s Showtime host at Makati City councilor na si Jhong Hilario.

“Saksi ako sa pag hinto at pagsaklolo ni coun.jong sa matandang tumawid sa Magallanes flyover na nabundol ng rumaragasang motorsiklo.. idol konsehal Jong Hillario.”

Sa unang video, makikitang tila nag-aalala si Jhong sa sinapit ng matanda kaya inalalayan niya ito sa ulo.

Ang video na ito ay mayroon nang lagpas isang milyong views.

Makikita naman sa pangalawang video na tila may tinatawagang paramedics ang isang lalaki na tumulong din kay Jhong.

Pinuri ng maraming netizens ang ginawang ito ng dating Streetboys member.

Samantala, wala pang ulat tungkol sa kalagayan ng matandang nabundol.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN