Bea Alonzo on relationship status with Gerald Anderson: "Hindi pa kami. Nagdi-date pa kami."

IMAGE Noel Orsal / @beige.ca on Instagram

Ayon kay Bea Alonzo, ini-enjoy lang muna nila ni Gerald Anderson ang mga panahong magkasama sila. Saad ng A Love To Last star, "Right now, andun pa lang ako sa parang mas kinikilala ko pa siya. Sini-savor ko 'tong moment na 'to na nagiging masaya ako sa mga ginagawa niya para sa akin."


"Dating" pa rin daw ang current relationship status nina Bea Alonzo at Gerald Anderson.

Paglilinaw ni Bea, hindi nila minamadali at pinapangunahan ang mga bagay-bagay sa kanila ng dating nobyo.

Katunayan, magkasama sina Bea at Gerald, pati na ang ilang kaibigan, na nag-celebrate ng New Year sa California, USA.

Saad ng Kapamilya actress, “Oo [kasama ko siya sa California], bakit may masama ba dun?

“Yes, kasama ko si Gerald.

“It was dinner yata yun, tapos we were talking about kung ano yung gagawin for the holidays, tapos that idea came out.”

Masasabi ni Bea na espesyal ang naging biyahe nila together, pero hindi raw ito ang unang biyahe nila abroad mula nang muli silang magkaigihan.

Aniya, “Hindi, nung Halloween, nag-travel din kami.

“Pero marami kami talaga, 13 or 14. Nag-Halloween kami sa Singapore.”

NOT IN A HURRY. Diretsong tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Bea sa blogcon ng upcoming ABS-CBN primetime series na A Love To Last ngayong Huwebes, January 5, kung sila na ulit ni Gerald.

Sagot niya, “Hindi, hindi pa kami. Nagdi-date pa kami."

Ano ang hinihintay ni Bea at hindi pa niya sinasagot si Gerald?

Sagot ng 29-year-old actress, “Kasi, kagaya ng sinabi nila, dapat ang love, hindi minamadali.

“So, dapat, every moment, every day, dapat sini-savor mo.

“Right now, andun pa lang ako sa parang mas kinikilala ko pa siya.

“Sini-savor ko ‘tong moment na ‘to na nagiging masaya ako sa mga ginagawa niya para sa akin.

“And I hope I did the same for him.”

Patuloy niya, “We had a relationship in the past and ano siya, e, short-lived.

“So, parang ang ganda na we're taking it slow.

“Right now, I’m just enjoying. I’m just happy na, ayun, may mga tao at taong nagpapasaya sa akin.”

Dagdag ni Bea, marami pa siyang gagawin sa taong ito kaya hindi muna niya pinagtutuunan ng pansin ang love life.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ayoko pa siyang iproseso.

“We’re dating, so ang hirap na unahan yung mga bagay-bagay, especially this year, andami ko talagang gustong ma-achieve.

“Gusto ko maging pro-active this year, so andami kong pinu-put off last year na gusto ko ma-achieve this year.”

DOUBTING GERALD? Ngayong nag-mature na silang dalawa, masasabi ba niyang boyfriend-material si Gerald?

Diretsong tugon ni Bea, “Oo naman, oo naman.

“Kasi he’s a very responsible man and alam mo na loving siya.

“Alam mo na marami siyang ginagawa sa buhay niya to become a better man.”

Samantala, may lumabas na mga larawan si Gerald kasama ang ex-girlfriend nitong si Kim Chiu na kuha sa isang party.

Ayon sa isang netizen, sweet daw at magka-holding hands pa ang dating magkasintahan sa nasabing party.

Ano ang masasabi ni Bea rito?

Tugon niya, “Hindi ba, maganda nga yung nagkakasundo sila dun sa show nila?

“Parang you don’t expect these two people [not] to get along and do a project together.

“Of course, you expect them to be friends again and get along again.

“Maganda naman na nagkakasundo sila.”

Hindi ba niya pinagdududahan ang rumored boyfriend?

Sabi ni Bea, “No naman.

“Tsaka parang wala pa kami dun sa stage na ‘O, hindi ka puwedeng…’ Parang hindi naman.

“Tsaka hindi naman ako ganung klaseng tao na nag-i-speculate agad ng mga bagay-bagay na ganyan.

“You know, para sa akin, kung ano yung ipinapakita ng tao, yun yung importante.

“And I know he’s a very trustworthy person.”


Stories We Are Tracking

Gerald not rushing to be in a relationship with Bea
Gerald not rushing to be in a relationship with Bea
Gerald Anderson gets warm welcome from Bea Alonzo's family
Gerald Anderson gets warm welcome from Bea Alonzo's family
Bea Alonzo has no problem with Kimerald reunion
Bea Alonzo has no problem with Kimerald reunion


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN